DIPPIN’ DOTS


Umidlip ako kanina right after posting something here in Tumblr tapos nung gumising ako, naghanda na ko agad for Greenhills. Tamang-tama naman nagtext na yung kasama ko na naghahanda na rin sila. Goal ko talaga dun ay bumili ng red shoes. Yun lang talaga at wala ng iba. Haha! Si Mark and Suzette kasi yung may bibilhin for Christmas kaya ayun.

Grabe! Ang hirap para bihisan ni Suzette. Ang dami niyang ayaw na damit kahit na maganda naman sa paningin namin ng kuya niya. Kaya ang ending nun, puro sandals na lang ang nabili niya. Mahal ang mga damit sa Greenhills. Iilan lang talaga yung mura. Si Mark, walang nabili dun. Haha! Ako, 2 pairs of shoes. Yung 2 for 580. Haha! Gusto ko kasi talaga ang mga shoes sa GH kasi mura saka nagtatagal sa’kin. Dun na rin kami naglunch at pinlano na namin lumipat ng Trinoma kasi alam namin na mas mura yung mga damit dun. So bago kami umalis, nakakita ako ng stall ng Dippin’ Dots. Kaya nagyaya akong bumili. Ang tagal ko na kasing hindi nakakakain nun kaya bumili talaga ko.

Ayun. Nagtaxi na kami papuntang Trinoma. Naghiwalay muna kami ni Mark para masamahan kong bumili ng damit si Suzette. Ikot kami ng ikot pero wala pa ring mapili si Suzette. Hanap, hanap, hanap. Hanggang sa may nagustuhan siya. Ikot ulit para maghanap pa ng iba. Basta napagod ang mga paa namin dahil sa kakalakad. Nung may napili akong maganda sa kaniya, nagustuhan niya. So tinernohan ko na lang ng belt yung casual dress na yun. Tapos sinamahan ko na rin siya magfit. Bagay naman.

Nung nararamdaman na namin na sumasakit na yung paa namin, naghanap kami ng pwedeng upuan. Naisip ko na kailangan kong humanap ng red shoes kasi yun naman talaga ang gusto kong bilhin kahapon pa. Hahaha! Kaya iniwan ko muna si Suzette saka ako humanap ng shoes. Yung una kong napili plain red wedge. Nagtanong ako ng size pero wala na daw. Gusto ko na sanang sumuko nun dahil sa sobrang pagod ko pero nung malingat ako sa ibang direksyon, nakakita ako ng red na flats. Okay na rin yun. Bagay naman sa dress na susuotin ko sa pasko. Nagpakuha na agad ako ng size tapos binalikan ko na si Suzette.

Magkakasama na ulit kaming tatlo pero wala pa ring nabibiling damit si Suzette. Yung dapat na bibilhin kasi niya ‘damaged’ kaya pinalitan namin ng iba. Yung pinalit naman niya mukha daw preso kaya iniwan na lang niya. Ang dami na naming sinuggest ni Mark kay Suzette pero ayaw pa rin. Hanggang sa nag-end kami sa isang casual dress na naka-display at nakasuot sa manikin. Buti na lang! Masakit na ang mga paa namin kaya gusto na naming umuwi.

Tumingin muna sandali ng vintage necklace si Suzette para i-partner dun sa dress na binili niya. Hindi ko lang matandaan kung bakit hindi niya binili yun kaya umuwi na lang kami. Buti na lang may fx agad na naghihintay pa ng pasahero. Gusto ko na sana dumeretso sa bahay kaya lang pinilit na naman akong pumunta sa kanila para kumain. Eh hello?! Diet nga ako. Pero wala eh. Napilit na ko ni Tita Gina. Wala na kong nagawa. Hahaha! Konti nga lang yung kinain ko nung lunch at konti lang din yung pansit na kinuha ko sa house nila Mark. Pero dinagdagan ni Tita Gina. Hahaha! Grabe lang. Busog na busog talaga ko. Konting kwentuhan tapos hinatid na ko pauwi.

Pag dating ko dito sa bahay, nagpahinga muna ko sandali tapos binida ko na yung mga binili ko sa mommy ko. Hahaha! Sinukat ko na lahat. Haha! Tapos naligo na ko.

Ngayon, inaantok na ko at gusto ko nang matulog. Maaga pa kong gigising bukas para sa simbang gabi.šŸ™‚

Good night!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s