DEFINE TAMAD


Ano ba yan. Last two exams na bukas, plus enhancement. Ang dami nun. Handa na lahat ng reviewers ko at sapat na yung tulog ko kanina pero bakit tinatamad pa rin ako? Nakalatag lang dito yung mga libro and handouts pero wala akong ginagawa. Inaantok pa ko. Ano ba yan. Dapat nga inspired ako mag-aral ngayon eh pero ewan.

Ganito ako lagi pag malapit na mag Christmas. Kinatatamaran ko na ang lahat ng bagay. Kung hindi man lahat, yung mga bagay na nagbibigay sa’kin ng matinding stress. Ang hirap magfocus. OMG! Ang dami ko kasing kailangan at dapat gawin pero hindi ko alam kung bakit lamyang lamya ako. Wala. I just sit here, staring at my notes. After reading 2-3 lines, wala na naman. Tititigan ko lang ulit. Stock knowledge na lang ba ‘to o lucky pick? Haha! Pero never ko naman ginawa ang manghula. Depende na lang talaga kung hindi ko alam yung sagot.

Alam mo yung feeling na gusto ko nang mag-aral pero ayaw ng katawan ko. Grabe. Hindi ko na naiintidihan yung sarili ko. Kagabi pa ko ganito. Tapos hindi pa ko masyadong magaling. Inuubo pa ko at hindi pa masyado bumabalik yung boses ko.

Tsk. Bahala na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s