NURSING VS. MUSIC


Pag-aaral versus hilig. Haha! Mababaw para sa iba pero sobrang bigat para sa’kin. Naisip ko lang gawin ang post na ‘to para mabawasan ng konti ang stress na nararamdaman ko. Dito ko na lang binubuhos lahat ng laman ng utak ko para kahit papano mabawasan yung bigat na nararamdaman ko.

A week before Christmas is really stressful. Why? I have tons to do. Nakngpucha. I have my choir practices, examinations, collection of money for our Christmas party and the program flow on Friday. I know it’s a matter of time management pero hello! Nakakastress na masyado. Kaya ako nagkakasakit dahil sa stress eh.

Nursing is my course. Therefore, I have to strive harder for me to pass. Minsan na kong nadapa, ngayo’y nakabangon at hindi na muling babalikan ang nangyari noon. Kung doble yung effort ko sa FEU, triple ngayon sa NEC. Naman! Konti na nga lang kami tapos di ko pa seseryosohin sayang lang lahat. Goal ko ngayon na hindi na ko babagsak sa kahit anong subject. Minor man o major, pagtutuunan ko ng pansin. Dagdag pa sa hirap ko yung once a week na enhancement sa dean. Dahil dun sobrang tinututukan ko pag-aaral ko.

Hindi lang sa nursing tumatakbo ang mundo ko. At hindi kailanman mangyayari na talikuran ko yung ibang gusto ko. Parang ganito lang yan eh: Nursing is a need. Music is a want. Kailangan ko tapusin ang pag-aaral ko para kahit papano magkakaron ako ng siguradong trabaho. Alam naman ng lahat ng nursing students katulad ko na sa panahon ngayon, maraming nursing graduates ang wala pa ring trabaho. Pero mahaba pa ang lalakbayin ko. Hindi ko pa iniisip na baka pag natapos ako, matutulad din ako sa iba na walang mahahanap na trabaho. Iba lang talaga akong mag-isip. Hindi ako katulad ng iba na makikitid ang utak. Kung ano lang yung nangyayari ngayon, hanggang dun na lang yung naiisip nila. Ako hindi. Iniisip ko pa rin yung ibang pwedeng mangyari. Basta makatapos ako, bahala na.

Music is what I want. Yun talaga simula’t sapul. Actually, never sumagi sa utak ko na magsusuot ako ng purong puti at magtatrabaho sa ospital. Singing is my passion. Wala ng iba. Kahit na may sakit ako or walang boses, basta kantahan gumagaling ako. Binibigyan ko talaga ng oras ang musika. Kaya nga ako sumali ng choir eh. Para hindi lang puro sakit ng mga tao ang pinagtutuunan ko ng pansin.

This week is hell week. Nursing student sa umaga, after ng mga subjects ko, music teacher na. Hay nako! Sa’kin kasi pinaasikaso yung program para sa Christmas party eh. Ako pa magtuturo ng songs sa music group. Tsk. Student council treasurer pa ko at kailangan ko mangolekta ng pera sa lahat ng students. Our population is not that big pero mag-isa lang akong gumagawa ng mga trabahong yan. Nag-aaral din ako no! At hindi puro school ang gusto kong atupagin lagi. Marami rin akong obligasyon dito sa bahay kaya nahihirapan na kong pagsabayin lahat.

Gagawin ko ang mga dapat kong gawin para matapos agad. Ayoko lang ng puro sa’kin inaasa. Ang dami-daming estudyante na wala namang masyadong ginagawa tapos ako pa yung pipiliin na feeling nila super woman ako at kaya kong tapusin lahat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s