PUPPY LOVE


Dahil sa mas close sa’kin yung pinsan kong lalaki kesa sa mga ate niya, sa’kin siya nagsasabi tungkol sa mga crush niya. Nakakatuwa lang.

HOY! HINDI AKO NAGTURO AH. HINDI KO TINUTURUAN MANLIGAW YUN.

Anyway, lately kasi nahihilig siya sa mga songs ni Bruno Mars. Pati yung style ginagaya niya lalo na yung pagsusuot ng hat. Hahaha! Tapos paulit-ulit niyang pinapatugtog yung “Just the Way You Are” kaya kaming lahat dito naririndi na. Nahuli ko pa siya one time na ka-chat yung crush niya at inaalayan niya ng song na yun. Haha! Hindi na lang ako kumibo nung nakita ko yung short conversation nila. Haha!

OO NA! AKO NA ANG CHISMOSA… :p

Tapos ngayon, kinakanta niya ulit yung song. Tinanong na siya nung isang ate niya kung may nililigawan na siya. Wala daw. Pero napakalaki ng ngiti niya. He’s just 11 years old. Normal lang magka-crush. Pero manligaw?! Wag muna. Haha! Lahat kami hindi siya pinapayagan. PERO KAMING MGA BABAE KUMEKERENGKENG. Hahahaha! Ewan ko ba. Basta nag-oopen lang sa’kin yung pinsan ko na yun. Hindi siya nahihiya magkwento tungkol sa mga crush niya at plano niyang manligaw. Pero ako never nagshare sa kaniya. Baka kasi dumaldal eh. Mahirap na. :p

Yun lang naman for this post. Puppy love. Sabi ko nga sa kaniya, pag naghigh school siya, posibleng magbago yung mga nararamdaman niya. Bestfriend daw niya kasi yung crush niya. At balita ko, crush din siya. In short, MU na sila. Hahaha! Mga bata nga naman oh. Haha! Sumasabay sa agos ng mga teenagers. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s