ADESTE FIDELES


Ang weird! Kaninang umaga inaaral ko yung bagong piyesa na binigay sa’kin kagabi. Iniwan ko sa ibabaw ng piano kasama pa nung ibang piyesa. Aba! Kumain ako, nakipaglaro sa mga pinsan ko, naligo and all tapos nung binalikan ko, nawala na dun. San napunta? Haha! Eh ako lang naman ang may mga music sheets at ako lang naman ang tumutugtog ng piano dito. Saan napunta?! Hanap ako ng hanap. Hindi ko na talaga makita. Nakakainis kasi tanging yun lang ang nawala. Yun pa na hindi ko pa masyadong alam. Haha! Nakakatawa pa nga kasi mas madali yun pero hirap na hirap akong aralin. Sabi nga ni Mark at ni Mon, IMBA! Haha! Nagawa kong aralin yung No Importa pati You are the Light tapos itong Adeste Fideles hindi ko magawa. Ang weird ko rin talaga. Dahil na rin siguro sa sipon ko.

Anyway, humingi na lang ako ulit ng bago. Bwiset! Nakakahiya. Kaya iingatan ko na yung bagong bigay. Papaphotocopy ko para in case na mawala, meron pang extra. Nahihiya akong humingi ng bago kasi pera ni Mark yun. Hahaha!

Basta! Sana lang ma-perfect ko na ito. Mas madali kasi talaga kesa sa mga una kong inaral. Hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s