PIANO KEYS


Never kong nilagyan or dinikitan ng letters yung piano keys ko nung nag-aaral ako. Basta ang natatandaan ko, sinulatan ng piano teacher ko ng letters yung mga daliri ko. Di ko nga alam kung letters or numbers yung sinulat niya basta sinulatan niya. Haha!

Bakit ko ba sinasabi ‘to? Kasi yung pinsan ko biglang naisipan magpaturo. Hello?! I’m not a very good teacher. Kung kanta okay lang. Kaya ko pa yun. Pero piano?! Sows! Nilagyan niya ng masking tape yung mga keys at pinasulatan ng letters sa’kin. Okay. Pumayag na ko. Matatanggal din naman yun eh.

So, ayun. Tinuruan ko na muna ng proper position ng fingers sa keys. Pinatugtog ko yung do-re-mi sa right hand. Nung alam na niya, sa left naman. I know hindi ganun kadali pag beginner. Naranasan ko rin na tumataas ang mga daliri ko kada pindot ko. More patience ako ngayon. Hahaha! Nung okay na, pinasubukan ko both hands. Lalong gumuho ang mundo ng pinsan ko dahil nahirapan siya. Sabi ko na lang ganyan talaga pag baguhan pa lang. Napagdaanan ko rin yung hirap na naramdaman niya.🙂

Infairness, nagawa rin niya both hands ang do-re-mi. Aba! Biglang sumuko. Ayaw na daw niya kasi mahirap. Gitara na lang daw.:/ Okay. Wala akong magagawa. Pero hindi ko muna aalisin yung mga masking tape. Haha! Baka biglang magbago ang isip at magpaturo ulit.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s