EARLY BIRD


Simula nung sumabay ako kay Clarice papuntang school, ako na lagi ang kauna-unahang estudyanteng naka-upo at naghihintay ng klase. May road widening kasi sa may Don Jose gate (old) kaya hindi na kami nagsasabay ni Claire dahil nahihirapan ako. Haha! Naputikan kasi yung mga sapatos namin kaya nag-usap kami na wag na lang muna kami magsabay kasi napapamahal din yung pamasahe ko. Kaya sumasabay na lang ako sa pinsan ko.

Nung una, maarte pa ko. Ayokong tumawid kaya pinipilit ko yung driver na mag U-turn para ihatid ako. Eh na-late si Cla pag ganun ang ginawa ko. So naisip ko na lang na unahin na lang siya ihatid. 2 hours pa naman ako maghihintay kaya siya na lang muna. Para may konting oras din ako matulog sa biyahe. Haha! Hay nako. Akala ko giginhawa ang buhay ko pag ganun. Hindi pala. Napaka lupit ng traffic sa UST. Sobra! Ako naman yung na-late. Hindi naman considered late kasi wala pa yung prof ko nung dumating ako pero late na kasi sa watch ko kaya ayun. Ayoko pa naman ng nahuhuli sa klase. Kaya no choice ako. It’s either sa McDo Banawe na ko mag-aalmusal at tatambay or dun na lang talaga ko sa school magpapakabagot.

May advantage din ang pagiging early bird. May oras ako para magreview. Ang disadvantage naman, dala ko lahat ng gamit ko. Haha! As in sobrang laki ng bag ko kasi sa school na ko nag-aayos and all. Pati yung ‘morning thingy’ ko dun ko na ginagawa. Hahahaha! May locker nga ako pero hindi ko kasi talaga ugali mag-iwan ng books dun eh. OB bag, scrub suit and scrub shoes lang nandun. If ever mag-iiwan ako ng libro, yung alam kong hindi gagamitin. Ayun. Wala pa kong maka-usap. Haha! Kaya siguro may sayad ako minsan. Hahaha!

Time check: 2am. Dalawang oras na lang, maliligo na ko. Ayun. Binasa ko lang yung notes ko at naglaro lang ako. Hay! Hindi ako inaantok eh. Pero malakas ang feeling ko na pagdating ko sa school bukas, dun ako dadapuan ng antok. Sana lang ihatid kami ng driver mamaya para makatulog ako kahit saglit sa kotse. 2 hours lang naman ang klase ko this morning kaya makakapag-aral ako ng maayos mamayang break. Seryosong aral yun. Pupunta ako ng library para makapag-aral ako ng matiwasay. Hahaha!🙂 Review lang naman ang gagawin ko kasi inaral ko naman na last week yung topic mamaya sa enhancement.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s