ELVIS PRESLEY


Sunday, December 5, 2010 [Serenata’s Family Day/Christmas Party]

First time kong maki-party sa kanila. Haha! Eh kasi hindi naman ako nagtagal sa choir na ‘to five years ago dahil mas pinahalagahan ko yung una kong naging choir dati. Pero ngayon, nakakatuwang isipin na talagang member na ko. Haha! Ang weird ko. Ewan. Mag-iisang taon pa lang akong part ng Serenata sa Christmas Eve.

Hindi kasi ako masyadong nakikipag-usap sa kanila nung mga unang buwan na kasama ko sila. Siguro dahil nahiya na ko dahil nga hindi ako nagtagal nung una akong sumali. Kaya nung naka-isang buwan na ko sa kanila or siguro weeks pa lang na napansin nila na umaattend ako ng mass, tinanong ako kung seryoso na ko. Ayun. Sabi ko oo, seryoso na talaga. Umalis na kasi ako sa isang choir dahil sa issues kaya bumalik na lang ako sa kanila.

Anyway, back to the party. Haha! Infairness, kahit na madaliang plano yung naganap, naging maayos pa rin. Ang sarap lang ng feeling na kung dati, hindi ko nakaka-usap yung mga tao sa choir, nung party nakausap ko sila. Hindi nga lang lahat. Pero basta! Ang hirap ipaliwanag pero unti-unti kong minamahal yung choir. Nasa tamang panahon nga ang lahat. Ang hirap kasi nung nakakasama ko nga sila linggo-linggo pero hindi ko naman nakakausap. Ayun.

8am ako gumising that day para ihanda yung mga hotdogs na dadalhin namin ni Pheng. Kinabahan pa ko habang piniprito ko yung mga yun kasi sanay ako na pag ako ang kakain, tinutusta ko talaga. Hahaha! Pinagtulungan namin ni Pheng yun. And I’m happy to say that it was my first time to do that thing. Pag kasi may mga party at kaniya-kaniyang dala ng food, inaasa ko pa sa mom ko yung mga pagkain. This time, ako ang kumilos. Nagpatulong na ko kay Pheng kasi kamusta naman diba. Haha! 12nn ang party tapos kung ako lang mag-isa, baka tapos na silang lahat kumain hindi pa rin ako tapos.

Pag dating namin sa venue, wala pa masyadong tao. Members pa lang. Konting practice sa gilid. Haha! Prepare-prepare. Hakot dito, hakot doon. Hanggang sa unti-unti nang dumarami yung tao. Relatives nung ibang members. Wala akong sinamang relatives kasi may lakad lagi pag Sunday. Ayun. Kaya friends ang sinama namin ni Pheng. Si Pheng din kasi malabong magsama ng relatives. Infairness naman sa friends na sinama namin, old members din ng Serenata. Haha! Kaya parang reunion ang nangyari. Basta masaya! Yun lang.

After ng kainan, dun pa lang nagsimula yung flow ng mini-concert. Nag-umpisa sa buong choir muna tapos nag-end sa all girls. Pinoy henyo ang sumunod. Haha! Isa ako sa naging player pero sa kasamaang palad, hindi ko nahulaan si Elvis Presley. Siyempre hindi mawawala ang picture taking.

Mabilis lang yung naging party kasi kakanta pa kami for the 6pm mass. Kaya nagbihis lang kami tapos punta na ng church agad. May party pa after nung mass pero hindi na ko nakapunta dahil late na at may pasok pa ko kinabukasan. Kung wala lang talaga akong pasok, game ako eh. Katabing bahay ko lang naman yung venue. Sayang. Nainggit tuloy ako nung nakita ko yung mga pictures.😦 Hay! There will always be a next time. Siguro naman hindi dun natatapos ang choir bondings diba. Pag may practice naman nakakapagbonding pa rin kahit papano.🙂

Yun langs!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s