LET ME TELL YOU NOW


Okay. Just got home after the practice. Actually ako lang pala yung umuwi. Nandun pa rin sila at patuloy kumakanta. Tinawagan na kasi ako ng tita ko dahil hindi daw makatulog mommy ko. Eh sows! Pag dating ko ang sarap na ng tulog ng mommy ko. Anyway, ayun na nga. Umuwi ako dahil sa tawag niya.

Kung dati meron kami laging Saturday practice para sa concert, ngayon nagpractice kami para sa party bukas. Mini-concert yung magaganap bukas dahil nga hindi na tuloy yung concert of choirs. Divided ang choir into smaller groups para dumami kahit papano yung mga presentation. Hindi lang kasi para sa mga members yung party bukas eh, kasali din pati yung mga old members at mga friends/family ng mga members kaya kinakailangan ng kahit simpleng program. Puro kantahan siyempre kasi nga choir kami pero ilalapas namin yung “POP” side ng mga boses namin. Hahaha!

Dalawang songs yung na-practice ko kanina. Isang para sa small group at yung isa para sa all-girls na song. Haha! Nakakatuwa lang yung practice. Para lang kaming naglalaro. Sana lang maging successful ang gagawin namin bukas. Yang title ng post ko ngayon, line yan dun sa final song naming mga girls. Solo part ko kasi yan. Yan lang naman.🙂 Yan nga lang pero kailangan more power. Hahaha!

May advantage pa rin na nauna na kong umuwi. Para makatulog na ko dahil aasikasuhin ko yung mga hotdogs bukas. Magpiprito pa, lalagay sa BBQ stick at lalagyan din ng marshmallows. Yun kasi ang assignment namin ni Pheng. Okay na yun kesa sa magluto pa ng ulam. And wait, there’s more. Kailangan ko pa palang aralin yung final song although alam ko na kahit papano. Pero parang inaantok na ko kaya wag na lang. Haha! Bukas na lang. Aagahan ko na lang talaga gumising.🙂

O siya na. Matutulog na ko. :*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s