BACK-TO-BACK CELEBRATION


November 27, 2010 (I can feel your pain, initiation)

Kamay Kainan part 2 ang nangyari. Hahaha! Nahiwalay pa kasi yung treat ko kela Kristine nung November 24 dahil sa schedule. So kahapon, nakasama ko sina Trish, Patoy, Gelo at Ronnico. Ayun. Lima lang kami. Haha! Marami akong ininvite pero sila lang yung mga sumagot kaya sila na lang. Akala ko pa nga hindi matutuloy kasi nung tanghali, naghatid pa ko ng pagkain sa ABS-CBN kasi dun nagcelebrate papa ko.

First meeting nila Gelo at Trish. Akala ko hindi magiging maayos ang lahat pero nagkamali ako. Non-stop tawanan ang naganap. Haha! Busog silang lahat. Late pang dumating si Ronnico. Well, as usual. Siya naman talaga ang laging late sa lakaran eh. Sanay na kami. Haha! Nabusog kaming lahat hindi lang sa dami ng pagkain, dahil sa sobrang tawa.

After kumain, tinulungan ako ni Gelo bumili ng iinumin namin sa next celebration ko. Sa kaniya ko pinamahala ang lahat. Tinuruan niya ko maghalo ng mga drinks. Kahit na medyo kinakabahan ako kasi first time kong gagawin yun, okay lang. Haha!

Ayun. Lahat pala sila sasabay sa’kin umuwi. Buti na lang susunduin ako ng driver. Except kay Gelo kasi pumunta pa siya ng Q. Ave dahil susunduin siya dun ng mommy niya. Dahil sa medyo matagal pa darating yung sundo ko, bumili muna ko ng pizza sa Yellow Cab. Sinamahan ako ni Trish tapos naiwan si Ronnico at Patoy sa may Landmark. Hindi ko na lang sila pinasama kasi sila may bitbit nung drinks na binili ko. Sobrang dami rin kasi ng tao sa Trinoma. Hassle pa kung paiiwan ko pa sa package counter yung mga inumin na binili ko para lang isama yung dalawa. Kaya iniwan ko muna sila sandali. Okay lang naman sa kanila yun eh.

Tamang-tama pag baba ko, dumating na rin yung driver. More tawanan sa loob ng car. Haha! Kaya nauso ang statement na “I can feel your pain.” Hahaha! Basta! Alam na namin yun. Sa loob na rin ng sasakyan namin sinulit ang picture taking.🙂 Hindi naman kasi dapat nawawala ang remembrance lalo na pag may celebration.

Nung nahatid ko na silang tatlo sa may FCM, umuwi na ko para naman magprepare sa next celebration with guerrier. Late na talaga nagsimula yung inuman kasi mas free ang mga tao pag gabi. Haha! Mga 9pm na kami nagsimula.

Si Pheng yung unang dumating dito sa bahay at may dala siyang isaw. Haha! Inorder ko yun sa kaniya kasi favorite ko yung isaw na dinadala niya tuwing may party kami. Kaya ayun. Ang aga niyang dumating dito kasi hindi ko daw siya nasabihan na 9pm pa pwede yung iba. Pero ayos lang. Nagkwentuhan kami tapos sinoportahan nila ko sa tinimpla kong “Cherry Bomb” na drink. Haha! Yung turo sa’kin ni Gelo.🙂

Ayun. Dumating na si XY tapos nagpicture-picture na, inuman saka kainan. Kwentuhan tapos naglaro kami ng trivia-trivia. Or yung huhulaan kung sinong guerrier member ang tinutukoy. Pag tama lahat ng sagot, iinom ng kalahating baso ng vodka yung nagtanong. Pag mali ang sagot, sila iinom. Ayun. Dahil sa ako ang unang nagtatanong, naka dalawang baso na ata ako ng vodka. Kaya ako ang unang may amats. Pero nasa diwa pa naman ako. Haha!

Nakakarami na kami ng inom nung dumating sina Pols, Kenneth, Boj at Raymar. Kami ni Cla lakas tama na pero kakaiba yung amats ni Clarice eh. May kasamang sapi. Hahaha! Si Raymar ang pinag-initan niya. Hahaha! Pinipilit niyang ubusin yung natitirang vodka sa bote. Grabe lang talaga kasi kung ano-ano yung sinasabi niya kay Raymar. Hahaha! Si Raymar naman di ko alam kung talagang natatakot o ano. Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako. Pero natatawa talaga ko. “Initiation” daw yun sabi ni Cla. Ginawa daw niya yun para malaman kung karapat-dapat siyang isali sa guerrier. Tawang-tawa lang ako kasi nung nasali kami sa guerrier, wala namang initiation. Hahaha!

Anyway, naunang umuwi si Pols at Kenneth. Infairness kay Raymar, kahit kung ano-ano yung ginawa ni Cla sa kaniya, nagstay pa rin siya dito sa bahay. Haha! Basta kami ni Xy ang last girls standing. Borlog ang lahat. Kami, nag-uusap pa. Hanggang sa sumikat na ang araw, nandito pa rin sila. Si Bojie dito na rin natulog pero umuwi rin nung nagising siya. Dito na kumain ng breakfast si Pheng pati Xy.

Bottomline: MASAYANG-MASAYA AKO.🙂 Love na love na love ko silang lahat. Malungkot lang kasi hindi kami nagkaintindihan ni Rina sa text kaya hindi siya nakarating. Si Mark naman nasa Bicol dahil sa lolo niya. Ayun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s