KAMAY KAINAN


Natapos din ang early birthday celebration ko with Claire, Charm and Kristine. Nilibre ko sila sa Kamay Kainan, Trinoma. Eat-all-you can buffet yun! Haha! Kaya nasira ang diet ko ngayong araw na ‘to dahil dun eh. Hindi kami makahinga sa sobrang kabusugan. Walang tigil pa ang tawanan kaya nakakadagdag sakit ng tiyan ang sobrang hangin. Apat lang naman kami kaya hindi masyadong mabigat sa bulsa. Hahaha! :))

After kumain, plano namin manuod ng My Amnesia Girl. Unfortunately, late na kami ng 5 minutes. Ayokong manuod ng movie kung hindi ko naman nasimulan. Kaya nag Red Box na lang kami. Picture-picture habang nagkakantahan. Siyempre kasama na ang tawanan.

Nung kailangan nang umuwi nung kambal, nag Timezone kami agad para magpicture dun sa parang neoprint. Yung sticker paper. Haha! Fail ang mga nangyari dun. Nagloko yung machine tapos ang pangit ng mga pictures. Laging natatakpan ng stars yung mukha ni Claire. Haha! Sobrang fail talaga yun pero masaya pa rin.

Kahit ganun lang yung nangyari, naging masaya ako sa araw na ‘to. Kahit hindi ko maintindihan kung bakit pagod na pagod ako pag-uwi ko. Nilakad ko kasi mula Dona Carmen hanggang dito sa bahay namin. Haha! Kanina naman bago kami pumunta sa FEU, nilakad namin mula gate ng Dona Carmen hanggang sa bahay ni Claire. Nakutuban ko na kasi kanina pa na masisira at masisira ang diet ko ngayong araw kaya binawian ko na agad ng exercise.🙂

Next celebration would be with my other FEU friends and my beloved Guerrier.🙂 Eh kaya lang mukhang masisira ulit yung plano kong yun dahil may celebration din papa ko sa ABS-CBN. Pinapasama ko para double celebration. Hay! May dalawang araw pa ko para mag-isip. Sa ngayon, tatapusin ko na ‘to at magpapahinga na ko. Maaga na naman akong gigising bukas at hindi pa ayos ang mga gamit na dadalhin ko. Tinatamad pa nga akong mag-aral ngayon eh. Hay! Bahala na bukas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s