VELVET


Nakuha ko na yung planner ng Starbucks! Sarap ng feeling… Pero binigay ko yung planner kay Clarice. Ewan ko. Naawa akong bigla kasi gustong-gusto na niya mapuno yung card niya ng mga stickers. Eh ako halos araw-araw nasa Starbucks ako at may mga tumutulong sa’kin para mapuno yun kaya hiningi ko na lang yung card niya para ako na lang magpuno. 11 stickers pa yung kulang. Pero I’m sure, matatapos ko ‘to within this week. Magpapatulong pa rin ako sa mga friends ko. 🙂

Kanina, nagStarbucks ulit kami. Hindi na ko bumili ng drink kasi si Violet na ang gumastos para makuha ko na yung planner. Si Kim hindi naman kukuha ng planner kaya yung card niya, binigay niya sa’kin. Kaya 2 cards yung pupunuin ko ngayon. Pag napuno ko yung isa, ibibigay ko naman kay Caca. Para lahat kami may Starbucks planner. 🙂 Hindi ko pa sure kung mangongolekta din si Claire kasi kung hindi, hihingin ko yung card niya. Haha! Ako na ang addict.

Actually, nung nakuha ko yung planner, mas maganda pa yung nakita ko sa bookstore. Mas maraming coupon. Pero naisip ko na marami akong batang natulungan dahil sa pag-iipon ko ng stickers. Ayun. For charity pala yung promo ng Starbucks yearly. Hindi ko lang napapasaya yung sarili ko, nakakatulong pa ko sa iba. Kaya, itutuloy ko pa rin ang pag collect ng stickers. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s