LONG AND TIRING MONDAY


Dalawang oras lang ang tinulog ko kaninang umaga dahil pinilit kong tapusin yung powerpoint presentation ko para sa Philippine History report ko kanina. Unfortunately, masyadong mahaba at hindi ko na maintindihan yung last two topics kaya hindi ko na natapos. Dinapuan na rin ako ng sobrang antok kaya natulog ako. Pero okay naman yung resulta ng report ko. Itutuloy ko next meeting yung mga di ko pa na-discuss. Buti na lang mabait at considerate yung prof ko. Dinadagdagan niya ng information yung mga topics na importante.

After ng klase ko, pumunta kami ni Claire sa Trinoma para maglunch. Ganun naman ang ginagawa namin every Monday and Wednesday. Naglalakwatcha kami lagi after school. Ang dami kong nagustuhang damit pero wala akong dalang sapat na pera para bilhin lahat ng gusto ko. Sinukat ko pa nga yung iba kaya lang nakita ko yung pinaka gusto ko na “damaged.” Sayang. Bibilhin ko na sana kaya lang sira. Bwiset! Kung sino man ang nagsukat nun, di marunong mag-ingat. Nakisukat na nga lang nanira pa. Haha! [bitter!]

Nagpasundo ako kay mommy dun kasi nagpadala ako ng pera para mabili ko na yung mga damit na gusto ko. Dahil sa depressed ako, yung damit na gusto ko nauwi sa belt. Haha! Dalawang belt yung binili ko. Isang red, isang purple. Ayun. Basta! Mabibili ko rin yung gusto ko sa birthday ko. Haha! Naisip ko lang kasi na kailangan ko ng mga bagong outfit dahil hiwahiwalay yung date ng birthday celebration ko tapos sunod-sunod pa yung mga parties kaya ayun, mas maganda pag iba-iba yung mga damit na isusuot ko.

Nung sinundo kami ni mom, biglang bumuhos ang malakas na ulan. At ang resulta, traffic. Ganun naman dito sa Pilipinas eh. Biglaang ulan, traffic agad. Dumalaw kasi mommy at tita ko sa burol ni Lola Ched. Hindi ako bumaba kasi sinundo ko si Clarice sa UST. Isang oras kaming na-traffic. Naramdaman ko pa na naiihi ako kaya habang nakahinto yung mga sasakyan, bumaba kaming tatlo at naki-ihi sa school ko. Haha!

Dahil sa tindi ng traffic, bumalik ulit kami sa Trinoma para si Caca naman ang sunduin. Hanggang ngayon nga hindi pa nakakauwi si Caca eh. Hindi pa sila nagkikita ng tita ko. Nahirapan din kami sumakay. Buti na lang mabait yung taxi driver na nakuha namin. Himala dahil walang traffic sa Commonwealth. Buti na lang.

Hay! Actually tinatamad na ko ngayon. Di ko alam kung kakayanin ko pang mag-aral. Sorry na lang sa mga bumabasa nito. Pagod na po kasi ako talaga. Grabe yung byahe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s