PERFECT SLEEP


I woke up at exactly 4am. Naunahan ko pa ng konti yung alarm ng cellphone ko. After ko magdinner at uminom ng gamot kagabi, humiga na ko agad sa sobrang antok. Ewan ko. Di ko alam kung bakit antok na antok ako kahapon pag-uwi ko. Binawi ko na lang siguro yung puyat ko mag-aral tapos wala naman palang quiz nung umaga. Nakakadepress yung ganun. Anyway, nabawi ko na naman kaya no more reklamo.🙂 Sarap ng tulog ko at maganda ang gising ko. Sana lang walang sumira ng araw na ‘to.

I’m reading three books. Yung isa binili ko nung isang araw. Andun na lahat related to nursing. Lahat ng subjects nandun. Kaya ang goal ko, magbabasa ako ng isa o hanggang dalawang subtopics a day. Kahit napag-aralan ko na, babasahin ko pa rin. Yung history book naman, binabasa ko ngayon kasi may report ako sa Monday. Time is gold kaya di dapat inaaksaya. May choir practice kasi ata ako bukas ng gabi kaya dapat mabasa ko na lahat para sa Sunday, review na lang. Lastly, my sociology book. Hindi naman required ang book na ito pero ginagamit ko siya as guide. Ayoko lang kasi umasa sa handouts na binibigay ng prof. Hindi naman mahirap pag-aralan ang isang subject lalo na kung considerate ang prof at nakikipagcooperate.

After reading everything, jogging with mom sa clubhouse.🙂 Exercise! Isa pa sa goal ko ang magloose weight. Ayun. Eh tulog pa si mom hanggang ngayon eh. Kaya tatapusin ko na ang post na ito at ang mga binabasa ko.

:*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s