NAPAHIYA KA TULOY


Kahapon pa masakit ang paa ko. Malamang, iika-ika ako maglakad. Pag ba masakit ang paa gusto mo lumakad ng lumakad? Hindi diba. At kung masakit ang paa mo, kaya mo ba lumakad ng mabilis? Sige. Subukan niyo.

I’m suffering from osteoarthritis. Joints ko sa paa yung target at hindi ko na kayang ipaliwanag pa ang feeling basta masakit. Chronic illness na ‘to kaya bigla-bigla na lang umaatake. Friday night nung naramdaman ko yung sobrang sakit. Unfortunately, masakit pa rin siya hanggang ngayon. Hindi ko naman gusto magkaganito eh. Ang dami kong na-miss. SC meeting kahapon, choir practice kagabi tapos ngayon practice ulit tapos choir service mamaya. Hindi ko naman tinatalikuran yung mga obligasyon ko kaya naiinis ako sa mga tao na maraming sinasabing hindi naman totoo. Kayo kaya magkaganito?!

Kanikanina lang dumating dito si Pheng. Ewan ko kung bakit siya dumaan kasi di naman siya nagsabi. Pinapasok na lang ng tita ko dito sa kwarto kasi nga nahihirapan ako maglakad. Ang magaling kong ama, alam naman niyang masakit ang paa ko. Tinawag niya ko. Sabi ko sa pinsan ko siya muna pumunta dun kasi nga yung paa ko. Taena! Nahawakan lang kasi yung aso ko kaya di na kumilos. Nainip agad si daddy at sumigaw na. Nabigla ako ng tayo. Edi lalong sumakit. Peste talaga. May ipapaabot lang pala na sulat. Nandun pala yung isa ko pang pinsan hindi man lang magkusa na siya na sana ang umabot. Sinagot ko tuloy yung dad ko. Nabwiset ako eh. Tangina. Pag masakit ang paa niya puro pasensya kami dito. Pag ako wala na. Napahiya tuloy siya sa kaibigan ko nung sinagot ko siya.

INA!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s