DOG LOVER


I miss Kutchie (Shi Tzu) and Princess (Poodle). 2 days silang nandito. Nung Sunday, nagising na lang ako sa tahol nila. Sinabi ko kasi kay papa na gusto kong hiramin si Princess. Eh kawawa naman si Kutchie pag iniwan sa Cavite kaya dalawa silang inalagaan ko.

Princess is so cute. Baby ko yun eh! Nagseselos siya every time na lalapitan ko si Kutchie. Pag nakita niyang karga ko si Kutchie, tatakbo siya palapit sa’kin tapos sasampahan ako. Pag di ko pinansin, tatahol siya. Pero nung hindi ko talaga siya pinapansin, napagod siya sa kakatahol tapos lumayo sa’kin. Nung nilalapitan ko, nagtatago siya. Nagtampo masyado. Ang cuuuuute niya! Kaya lang ayoko na siyang pagselosin kasi ang tagal niyang hindi lumalapit sa’kin. Ang gusto lang niya, pag sumampa siya sayo, hawakan mo siya tapos kiss mo. Ganun kasi ginawa ko. Kargahin mo tapos hug mo ng mahigpit. Pag na-feel niya na hindi mo siya kinakalimutan, okay siya.

Kutchie is so sweet and quiet. Cute din. Nung una hindi naman nagseselos pag si Princess ang hawak ko. Pero dahil sa nasanay siya na humiga sa lap ko pag nakaupo ako at may ginagawa ako, love na niya ko. I mean, tumatabi na siya sakin matulog tapos hinahanap niya ko pag hindi niya ko nakikita. Katulad nung nagDVD ako. Si Princess nasa floor tapos si Kutchie nasa tabi ko, tulog. Eh umakyat ako sandali para kunin yung iPod ko. Nung bumaba ako, nakita ko si Kutchie gising na tapos nakatayo. Halatang hinahanap niya ko. Sweet! Kahit inaaway siya ni Princess, kinikiss pa rin niya pag sinabi kong “Kutchie, kiss Princess”.

Kaninang umaga, ako nagpakain sa kanila. Di ko alam na yun na pala huling pagkikita namin today.😦 Pag uwi ko kasi kanina wala na sila eh. Bumalik na sa Cavite. Haha! Hinatid ni Kuya Ariel kay papa sa ABS-CBN. Miss ko na agad sila.

Now, si Hachica yung katabi ko. Yung bagong puppy na ipapartner kay Hachico. Daschund naman. Ayaw matulog ng walang katabing tao kaya in short, itatabi ko ‘to sa pagtulog dahil magdamag itong iiyak pag walang nakitang tao. The problem is hindi pa siya naliligo. Paliliguan ko pag uwi ko from school bukas. Nahawa na nga sa sipon ko eh. Tsk. Naka-upo ako ngayon sa sofa at katabi ko siya, tulog. Tapos may unan pa sa tabi niya. Pag tumatayo ako ng dahan-dahan nagigising pa rin siya. Pag lumayo ako, bababa tapos hahabulin ako. Hay!

Nakakatanggal stress ang mga aso, swear! Sabik silang mahawakan, makarga at mayakap. Feeding them on time and playing with them are ways of loving them. Parang tao din. Kinakausap ko. Mararamdaman mo naman kung mahal ka rin ng alaga mong aso. I can’t explain the feeling pero alam ko na love din ako ng mga aso namin. I’m waiting for Prince and Princess’s puppy. Kasi hihingi ako kay papa at dito ko patutulugin sa tabi ko. Lagi! Haha!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s