LOTTO


Sino bang may ayaw yumaman? Lahat naman tayo nangangarap yumaman diba? Laging sumasagi sa utak ko ang maraming pera. Haha! Kung bakit? Akin na lang yon. Simula nung nauso yung song na “Billionaire”, lagi kong iniisip na pano pag marami na kong pera? Anong gagawin ko? Saan ko dadalhin and so on.

Lotto. There’s nothing wrong in playing lotto lalo na kung mabuti naman yung hangarin mo. Maraming tao ang tumataya ng anim na numero para makuha yung jackpot prize. Have you heard the news about the grand lotto? 311M ang premyo! Kahit ako di ko ma-imagine kung gano karami yun. Maraming tao ang umaasa na sana sila ang swertihing makuha ang milyong milyong salapi. May iba para makapagpagawa ng pinapangarap nilang bahay, para makatapos ng pag-aaral yung mga anak nila and all. May kaniya-kaniyang dahilan ang bawat isa at hindi ako nahihiyang sabihin na isa ako sa mga taong nangangarap na manalo sa lotto. (Pero minsan lang tumaya. Haha! :p)

Kanina, nagpaalam yung tita ko sa mom ko na lalabas lang sandali para tumaya sa lotto. So ayun. Nagkwento na siya kung magkano yung premyo and all. Lahat kami nagkumahog maglista ng mga numero. Haha! At kasabay nun ang pag-iisip ng mga bagay-bagay na pano kaya kung isa samin manalo. Sige ang sabi ng mga bagay-bagay na gagawin sa pera. Libre lang naman mangarap diba. Nagtatawanan kami habang sinasabi namin yung mga naiisip namin.

Nung ako na lang mag-isa sa kwarto, hindi ako naka-get over. Patuloy pa rin ang pag-iisip ko. Anong gagawin ko sa 311M?! Sobrang laking halaga nun. Sobra-sobra, over-over. Parang hindi ko kayang kitain yung basta-basta. Kaya naisip ko na siyempre, family ko muna. 10-20M each, hindi na siguro masama. Haha! Yung church namin naisip ko rin. Palalagyan ko ng aircon, bibilhin ko yung katabing lot para palakihan pa. I’ll donate full sound system para sa mga choir na kumakanta dun. Siyempre, choir member din ako at nahihirapan kami sa iisang microphone. Naisip ko rin magdonate ng 1M para sa RSCC orphanage. Yung orphanage kung san ako nagcelebrate ng 17th birthday ko. Mahalaga sa’kin yung mga bata na nandun dahil hindi maganda yung life stories nila. At yung ibang charity na nabisita ko na. 1M each yun. Yung mga matitira, paparenovate ko yung bahay namin. As in full renovation. Yung sosyal. Haha! Tapos yung ibang matitira pa, share ko sa mga friends ko. Haha! Hindi ko sila bibigyan ng malaking cash pero I’ll give them something they wished to have. Gadgets? Why not?! Tapos, travel-travel. Ganun! 311M is really a big amount. Kaya ang matitira, lagay ko sa bank para sa pag-aaral ko. At siyempre may matitira at matitira pa rin right?! Para sa mga luho ko na yung konti. Half million is OKAAAAY! Haha! Shoes, clothes, and everything. Kasama na pati dream car ko.

Crazy right?! Pero hindi masamang mangarap. Malay niyo swertehin ako. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s