ENCHANTED HALLOWEEN


We had a blast yesterday as we celebrated our halloween at Enchanted Kingdom. Well, pano nga ba nagsimula ang planong ito? Nung field trip kasi ni Juliane ako yung kasama. Eh sobrang fail yung EK experience namin nun dahil sa soooooobrang dami ng tao tapos limang rides lang yung nasakyan namin. Kaya sabi ko sa kaniya, pipilitin ko mom ko na dalhin tayo ulit dun. Pinagbigyan naman kami. Lima kaming pumunta dun: Clarice, Erica, Juliane saka Tita Che. May discount kaming mga students dahil sembreak.šŸ™‚

Nagstop-over kami sa Caltex SLEX para magbreakfast sa McDo. Si Clarice, atat na atat na magrides kaya minamadali kaming kumain. Ang dami rin naming baon na drinks and snacks pero sabi ko sa tita ko bawal ipasok sa loob ng park yung mga foods. Nung dumating kami sa EK, ang haba pa ng pila. Mukhang maraming tao pero sakto lang. Naghintay muna kami sa kotse bago tuluyang bumaba. Ramdam sa loob ng kotse ang excitement. Haha! Bago kami tuluyang sumakay sa mga rides, may picture taking muna. Three shots yun. Formal, wacky, tapos jumpshot. Natawa pa kaming lahat sa jumpshot kasi si Tita Che eh. Haha! Wala lang. Unfortunately, nakalimutan na naming kunin yun. At hindi nga rin namin nakita mga itsura namin eh.

Dodgem. Unang ride na sinakyan namin. Bump car. Si Tita Che hindi sumama. Si Clarice, kasama na namin sa pila pero umalis din para samahan na lang daw niya mama niya. Kaya kaming tatlo na lang. Target: Erica. Haha! Nung umandar na, target talaga namin ni Ian si Caca. Haha! Bangga dito, bangga doon. Inipit talaga namin si Erica. Haha!

Up, Up & Away. Dito sumakay sila Tita Che at Cla habang nasa Dodgem kami nila Erica. Ito ang ride na ayoko kasi nakakahilo. Haha!Ā 

Roller Skater. Second ride naming lahat. Dahil sa lima kami, may isang walang partner. Si Juliane yung matapang na mag-isa sa unahan. Pero may nakatabi rin siya kasi may pinalipat yung operator. Ayun. Kami ni Caca ang partner tapos si Cla pati mama niya. Si Tita Che, nakakatawa. Sigaw ng sigaw. Haha! Nahilo daw siya ng slight.šŸ™‚ Kami ni Caca, nakataas ang mga kamay all the way.šŸ™‚

Anchor’s Away. Ang favorite ride namin ni Juliane. Siyempre si Tita Che hindi sumama sa ride na ‘to. Gusto talaga namin ni Ian sa dulo kaya lang may mga nauna na kaya dun kami umupo pangalawa sa dulo. Si Caca pati si Cla sa gitna. Opposite side sila umupo para harapan kami. Ito yung pinaka nakakatawang ride dahil sa’kin eh. Tumalsik laway ko. Haha! Nakita nila Clarice kasi pinagtatawanan nila ko. Hahaha! So what?! At least ako laway lang. Eh yung iba?! Okay. Haha! Kung ako, favorite ko itong ride na ‘to, hatest naman ni Clarice. Halata naman eh. Kasi habang tumatagal yung ride, nakayuko na siya sa balikat ni Caca. Haha!

Swan Lake. Nung una, okay lang kay Juliane mag-isa. Pero naisip namin na hindi niya mapapa-andar yung swan kung siya lang mag-isa. So sabi ng mga ate niya, mag babysit na lang siya. Eh ayaw niya pumayag. Dapat si Caca na yung partner ko eh. Si Tita Che kasi gusto rin sana. Kaya lang nung hinila na ni Ian yung kamay ko, wala na kong nagawa. Nagparaya na lang si Tita Che. Dahil sa sikat ng araw, nagsimula nang humapdi yung mukha ko. As in ang hapdi. Akala ko sunburn na ang kahihinatnan ko eh. Kaya ayoko na nitong ride na ‘to. Namula mukha ko eh.šŸ˜ Nakakapagod pa. Haha! Kaya uminom na kaming lahat ng tubig after.

Space Shuttle. Nabusog ako dahil sa dami ng tubig na ininom ko. Pipila na sana kami ni Ian pero umatras ako. Baka kasi ilabas ko lang yung tubig na ininom ko. Sayang naman. Hahaha! Kaya si Clarice at Erica lang yung sumakay sa ride na ‘to.

Zorb Water Ball. Additional 50 pesos para sa ride na ‘to. Dito gusto ni Ian eh. Habang nasa Space Shuttle yung dalawa, dito na lang muna kami. Nung una, okay pa eh. Na-enjoy ko pa. Pero habang tumatagal, naiinis na ko. Haha! Nag-aaway na kami ni Juliane sa loob ng bola. Magkaiba kasi kami ng direction eh. Pag tumatayo kami, nag-usap kami na sabay dapat ang kilos namin. Pag umikot na yung bola, sabay kaming nahuhulog tapos nagkakadaganan pa kami. Kaya nung lumabas kami, dun ko na-realize na pawis na pawis ako tapos sobrang nakakapagod. As in nakakabawas energy. Kaya sinusumpa ko talaga ‘to. Never ko nang uulitin.

4D Discovery. Rialto sana yung pupuntahan namin kaya lang ang haba ng pila. Suggestion ko na lang dito sa 4D. May additional 60 pesos nga lang pero okay na rin. Dora the Explorer yung palabas. Nakakatuwa nga kasi may kasabay kaming senior citizens. Nakakagulat lang yung wisik-wisik ng tubig. Tapos sabay-sabay yung pag “Ay!” ng mga tao sa loob pag gumagalaw yung chair na parang nahuhulog.

Flying Fiesta. Ito talaga yung ride na masasabi kong forever kong di makakalimutan. Wala lang. Kasi nung first time ko sa EK 10 years ago, ito yung first ride na sinakyan namin. Tapos nahulog pa yung cap na suot ko nun. Ngayon, nung sumakay ulit ako doon, feeling ko bata ulit ako. Haha! Dramuh!šŸ™‚

Nakaramdam na kami ng gutom after namin mag Flying Fiesta kaya naglunch muna kami. Bumili kami sa stall na malapit lang dun tapos may vacant table naman kaya nagpahinga na rin muna kami.

Rio Grande Rapids. Hindi namin solo yung rubber boat kaya may kasabay kaming dalawang babae. Si Erica yung napuruhan dito eh. Haha! As in siya talaga yung sobrang basa. Pero lahat naman kami nabasa. Swertihan lang talaga kung sino ang makakaiwas sa basa o ang mamahalin ng tubig. Nabasa rin ako at ang nakakabwiset, halatang-halata yung panty ko. Pero I don’t care! The rides must go on. Huh?! Hahaha!

Jungle Log Jam. Tuloy-tuloy na ang basaan kaya imbis bumalik sa Flying Fiesta para magpatuyo, sumakay pa ulit kami sa ride na babasain ulit kami. Ito talaga yung masaya. Sama-sama kaming apat sa isang boat.šŸ™‚ Si Ian sa harap, si Cla, ako tapos si Caca yung nasa likod. Dito nauso yung “Kahit anong mangyari ah, walang bibitiw.” Hahaha!šŸ™‚

Pinagpapalit na kami ni Tita Che ng damit. Pero tinodo na namin ang pagiging ‘wet’. Kaya bumalik kami sa Rio Grande. Hindi na sumama si Caca kasi gininaw na. Haha! Kung nung unang ride namin napuruhan si Caca, ngayon naman si Ian. As usual, lahat kami basang basa. After nun, kinuha na namin yung mga damit namin sa kotse. Nagmerienda muna kami tapos pumila na sa next ride.

Wheel of Fate. Inabot na kami ng dilim dito at yehey! Bumukas na rin ang mga ilaw. Kami ni Ian ang nahiwalay sa kanilang tatlo pero magkasunod lang naman. Ang sarap ng feeling. Ito yung ride na relaxing. Lalo na pag nasa taas ka tapos nakikita mo yung buong EK. Muni-muni moment. Haha!

Bouldervill Express. Pambatang ride. Haha! Ito yung train. Haha! Si Ian na pinakabata sa’min, siya yung hindi sumakay. Kaming mga isip bata yung sumakay. Wala lang. Si Tita Che kasi konti lang yung sinakyan kaya ito na yung last ride na sinakyan niya. After namin dito, bumalik kami sa Roller Skater.

EKstreme. Ito yung ride na katabi ng Roller Skater. Ito rin yung last ride na sinakyan namin. Additional 50 pesos ulit kasi new ride pa lang ata ‘to eh. Basta yun. Hinuli namin talaga ‘to kasi first time naming lahat. Tapos parang nakakatakot. Dahan-dahan kang aakyat tapos pag na-reach mo na yung tuktok, biglang bababa. Nakapikit kaming lahat. After nun, lahat kami nakangiti kasi sobrang sarap. Haha!

Umambon na at pagod na ang lahat kaya nagkayayaan nang umuwi. Okay na. Kahit hindi kami nakasakay sa Grand Carousel. Borlog lahat sa kotse except kay Ian. Walang traffic kaya one hour lang ang byahe. Pag dating namin sa bahay, nagdinner kami tapos ako, humiga na. Sa bahay ko lang na-feel ang pagkahilo. Haha! Pero okay lang. Masaya!šŸ˜€

See you again on November 6, Enchanted Kingdom. This time, with my beloved GUERRIER! :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s