YAYA NIKKI


Yesterday was Juliane’s first field trip experience and I’m glad to be part of it. Dapat kagabi pa ko nagpost about this eh pero tinamad na ko mag-online kaya now, it’s time for me to make kwento. 🙂

Di na ko natulog kagabi. Hindi dahil sa excited ako. Ayoko lang kasi ma-late ng gising. First come, first served kasi ang seats sa bus kaya sinabihan ako ng pinsan ko na dapat maaga kami. 2am naligo na ko. 3am pinaghanda kami ng mom niya ng breakfast. Kami ni Cla hindi pa natutulog. Pumasok ako sa room nila nung nakabihis na ko. Yung may field trip hindi pa bumabangon. Nauna pang mag-ayos ang chaperon. Hahaha!

Dahil sa first time sumama ni Ian sa field trip, excited pati mga kapatid niya. Si Caca nagising din ng maaga bago kami umalis. Kaya lahat kami, sabay-sabay ng breakfast. Actually, soup lang naman saka milo yung kinain namin. Haha! All things were packed. Pinagbaon kami ni Tita Che ng napakaraming drinks. Ang bigat! Nakakaloka. Si Juliane isang malaking backpack yung dala. Damit ang laman. Napuno yung bag niya dahil sa dami ng pagkain. Ako naman dalawang bag. Siyempre, yung isa iiwan ko sa bus. Nandun yung extra clothes and slippers namin ni Juliane, medicine, and other stuffs. Tapos yung small backpack ko, andun yung mga important things and gadgets ko. Wallet, cellphones, ipod, umbrella, camera. Ready to go na. 4:15-4:30am kami sinundo nung service ni Ian.

Pag dating namin sa school nila, dumating na agad yung bus. Ramdam ko yung excitement ni Ian eh. Nung nakita na niya yung bus number 4, takbo siya agad. Di inisip na kasama niya ko. Haha! Maganda naman yung upo namin. Inayos ko yung mga dala namin para maka-upo kami comfortably. Eh ang laki talaga nung bag ni Juliane. Di magkasya. Buti na lang may upuan sa gitna. Ako kasi yung umupo sa may window para makapag-usap sila ng mga classmates niya. So ayun. Ang tagal bago umalis ng bus. Puro nanay ang mga nandun. Required kasi sa grade 4 pupils ang magsama ng parent/guardian. Kaya lang naman ako nagpumilit sumama dahil sa EK eh. Haha! Ayun. Laro sila agad. Ako, babawi ng tulog kasi nga di ako natulog. Buti na lang at dala ko iPod ko dahil kung hindi, nakatunganga lang ako. May dala rin akong maliit na unan. Yung nilalagay sa batok. Ganun. Ang ingay ng mga bata. Grade 4 and preparatory pupils ang magkakasama sa bus. Okay naman. Naka-idlip naman ako sa bus kahit papano.

Ayala Museum. First location. Ang aga namin dumating. 8am pa daw yung bukas nun. 6:20am nandun na kami. Kaya natulog na lang ako. Sinabihan ko si Ian na pag bababa na sa bus gisingin niya ko. Aba! Nung dumilat ako lahat sila naka-tayo na at yung iba nakababa na. Makita-kita ko ‘tong pinsan ko malapit na sa pinto ng bus. Loko-lokong bata. Iiwan pa ko sa bus. Buti na lang talaga nagising ako. God is really good. Ginigising niya ko pag kailangan ko na talagang gumising. So there, hiniwalay ang mga guardians at students. May bukod na tour din kami. Nakakatuwa lang dun kasi it’s more on Philippine History. Maganda dun. Andun din yung damit ni Ninoy nung pinatay siya. May blood stains pa rin. Yun ding damit ni Cory nung inauguration niya nandun din. Paintings nina Amorsolo, Luna, and Zobel nakita namin. Ang dami pa. Basta puro tungkol sa Philippines. Yung mga ceramics na naka-exhibit, galing sa ibang countries nung unang panahon. Yun yung mga binibigay nilang kapalit sa mga crops, fruits, and kahit anong galing sa bansa natin. May mga gold din. Tunay na gold. Ang nipis. Parang foil lang kung titingnan. Sayang lang kasi bawal kunan ng picture.

Umuulan nung natapos kami sa first location. Good thing nasa bag na dala ko yung payong. May jacket din kami pareho ni Ian tapos may cap pa siya. Buti na lang may bubungan yung pinaghihintayan namin. Pag dating sa bus, pinalitan ko ng shirt si Ian kasi pawis na pawis. Grabeng bata talaga yun. Kada byahe, kain din siya. Yung mga classmates niya pinapansin lagi yung bag niya. Haha! So ako, back to sleep. Pero di naman nagtagal yung idlip ko dahil sa ingay ng mga bata.

Sand Magic. Second location. Dito bored ang mga tao. Kung ang mga guardians nga nakatulog, ano na kaya yung mga bata? Hindi na-appreciate ng mga bata yung sand painting. Tapos parang ewan pa yung host. Natulog lang yung iba. Yung katabi ko ngang parent tulog eh. Ako, carry lang.

After dun, punta na sa MOA para sa free lunch namin. Ang nakalagay sa ticket “SM Science Discovery”. Akala ko pupunta din kami dun. Gusto ko pa naman mapuntahan ni Juliane yun kasi nakakatuwa. Pumunta na kasi ako dun nung 4th year HS ako. So yun. Fried chicken and pork BBQ yung kinain namin. Pagkatapos maglunch, excited na ang lahat for the last location – Enchanted Kingdom.

Natulog akong muli sa bus. Haha! Binawi ko talaga yung mga oras na hindi ako natulog nung gabi. Every hour gumigising din ako kasi sinisilip ko kung anong ginagawa ni Ian. Tinatanong ko kung gutom or may kailangan. Tapos balik sa pagtulog. Ganun lang.

This is it! The much awaited location. Enchanted Kingdom. Grabe. Hindi nakisama ang panahon but nevertheless, nag-enjoy ang lahat. Priority ko yung mga rides na gusto ni Juliane. Yung mga suggestions ko, pumayag siya. Gusto ko kasi ma-experience niya yung saya na naramdaman ko dun sa ride na yun. Dahil sa first time niya sumakay sa mga ganung rides, nagwarm-up muna kami. Dun sa roller coaster na isang ikot lang kami unang sumakay. Grabe ang pila sa lahat ng rides. 1 hour inaabot bago ka tuluyang maka-sakay. Parang wala lang kay Ian yung ride na yun kaya sumabak na kami sa Anchor’s away. Ang lakas ng loob ni Ian sumakay sa dulo. Haha! Eh ako dati sa gitna lang ako. First time ko sumakay sa dulo pero nag-enjoy din ako ng sobra. After namin dun, sa Rialto kami. Ang haba din ng pila. Happy Feet yung featured movie. Riogrande ang sunod naming pinilahan. Ang tagal namin bago nakasakay. May ibang school din kasing nandun kaya grabe ang tao. Sa riogrande, pinaupo ko siya dun sa akala kong mababasa siya ng bongga. Ang ending, ako yung sobrang basa. Haha! Tinuloy-tuloy na namin ang pagiging basa kaya go agad sa Jungle Log Jam. At dun nag-enjoy ng bongga si Juliane.

EK was a fail for me. Limang rides lang kasi nasakyan namin sa sobrang dami ng tao eh. But at least nag-enjoy si Ian. Yun naman ang importante dun eh. Ang mag-enjoy. Basang-basa kami talaga. Pagsunurin ba ang riogrande at log jam. Haha! 5:30pm ang call time pero yung mga oras na yun nakapila pa ata kami or kasasakay pa lang namin. Buti na lang pag dating namin sa bus, hindi pa kumpleto. Kaya nagmadali kami ni Ian kumuha ng extra pants. Tapos go bihis na.

Natulog ako ulit sa bus. Yung mga bata, parang walang kapaguran. Ang ingay pa rin nila. Tawanan ng tawanan. Ako, nilalamig na. Basa na kasi yung jacket ko eh. Kaya tiniis ko na lang yung lamig. Nakatulog pa rin ako. Pag gumigising ako, nagtatawanan pa rin sila at nagkukwentuhan. Ang traffic. Walang magawa. Buti na lang may iPod. Nagising ako nasa EDSA na kami. Natulog ako ulit. Nung gumising ako, EDSA pa rin. Grabe sa traffic talaga. Yun na yung huling tulog ko. Nung nasa East Ave. na kami, bumilis na rin yung takbo ng mga sasakyan hanggang Commonwealth. Pag dating namin sa school nila Ian, nag-aabang na yung service. Naghintay kami sandali para sa ibang sasabay sa service.

“Hay salamat! Natapos na rin ang field trip”, sabi ko sa sarili ko nung pumapasok na kami sa gate ng Don Jose. Thank God we’re all safe. Di naman ako nakulangan sa prayers eh. Ayun. Antok na antok na si Ian kaya konti lang yung kinain. Ako, kumain ng dinner. Online ng saglit using my iPod kasi tamad na ko magbukas ng laptop. Naabutan ako ng friend ko kaya tumawag pa dito sa bahay. Okay na lang din para iwas sa bangungot. Haha! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s