WEEK SUMMARY


Tanghali na ko nagising ngayong araw na ‘to. Wala akong kasama sa bahay kanina. Medyo sumama pa ng konti pakiramdam ko. Ngayon ko naisip na naging busy pala ko this week sa kakagala. I’ll summarize my week from Sunday to Friday.🙂

Sunday, October 17. Watched Petrang Kabayo with Guerrier minus Xy. Masaya. Nakasama ko ulit si Mark after 3 months. Sagana ako sa frozen yogurt dahil twice ako kumain nun. Oh! I think it’s better to say sagana ako sa mga malalamig. Ice cream, quickly, tapos ice cream ulit. Haha! Naaliw si Pols at Mark sa free wifi ng SM. Okay. Tawanan sa fx. Ganun naman usually pag magkakasama kami eh.🙂

Monday, October 18. Meeting with the dean kasama si mommy. Kasabay namin si Claire pati yung mom niya sa Taxi. Finally, nagkakilala na yung mga magulang namin after 3 years of friendship. Haha! No problem sa school.

Tuesday, October 19. 11th birthday ni Juliane. Lunch sa Tong Yang, dinner naman sa Red Kimono. Nagkabati na rin si Mom at si Dad. Siksikan moment sa Isuzu. Grabe lang. Pero masaya kaming lahat nung araw na yun. Nakipagtawanan na ulit si dad sa amin. Most unforgettable birthday of Juliane ever!

Wednesday, October 20. Finally! Nagkita na kami ng best friend ko after 7 years. We watched Eat Pray Love. Sobrang saya kahit kulang sa oras. Nagpapicture kami sa parang Neoprint sa Timezone. First time namin pareho kumain ng Frutti Froyo. Kwento-kwento. Feeling ko nga parang bumalik kami sa “getting to know” stage sa sobrang tagal naming hindi nagkita. O well, it’s the start of something new but continuation of a lost friendship.

Thursday, October 21. Binisita ko si Baby Kodie sa Tondo. First and last baby ng ninang ko. Cute sobra! Gigil na gigil ako ng todo. Pero pag dinadapuan ako ng gigil, si mommy yung kinukurot at pinipisil ko. Haha! Baka umiyak eh. Hindi ko kinarga kasi baka di ko mapigilan sarili ko eh. Haha!

Friday, October 22. Chaperon ako ni Ian sa field trip niya. Nakakapagod pero masaya. Natutulog lang ako sa byahe. Gigising pag may kailangan si Ian at bababa sa bus. Di man namin nasakyan lahat ng rides, nakita ko naman yung enjoyment ng pinsan ko. Masaya na ko dun.🙂

So there. Here’s my week summary. Haha! Lahat naman yan naka-post na dito eh.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s