TEARS THAT TURNED INTO LAUGHTER


Mom and dad had a quarrel for I think more than a month. Yun na ata ang pinakamatagal na araw na hindi sila nag-uusap. Sa pagkaka-alam ko ah. Ito yung pinakamatagal. Sanay naman kaming lahat pag nag-aaway sila. Pero mas malala na yung ngayon. Kasi hindi dito kumakain si dad. Bumibili siya ng food niya sa labas. Basta ibang-iba yung ngayon.

Lahat kami apektado pag nag-away yung dalawa. Obviously, kay mommy lahat nakapanig. Hindi dahil sa mas close kaming mga apo sa kaniya pero yun na yung nakasanayan. Honestly, iba na kasi ugali ng dad ngayon eh. Ibang-iba. I don’t need to tell everything here. Dahil sa paglala ng ugali ni dad, lahat kami takot lumapit sa kaniya. Umabot na sa point na umaabot ng 5 days na hindi kami nagkikita kahit nakatira lang kami sa iisang bahay. Kasi naman, pag gising ko sa umaga wala na siya. Pag uwi ko naman, tulog na siya. Hay nako! But then, hindi ko lang kasi gusto yung kasalanan niya kay mom. Mali eh. As in si dad ang mali. Nagsimula kasi yun dahil sa cellphone eh. Basta lumala. Hanggang sa di na nag-usap. Pati kami hindi na rin halos nakikipag-usap at nagpapakita kay dad. May time na ayaw niya kaming lumapit. Edi okay. Wag na lang lumapit.

Umuwi siya kanina nang wala kaming lahat. Yung dalawang maid lang yung nandito sa bahay. Hinanap daw kami and medyo galit. So nung dumating kami sa bahay, pinatawag niya si mommy. Ang tagal nila nag-usap. After ni mom, kami namang mga apo. Dad cried. Nilabas niya yung sama ng loob niya. Nag self pity talaga siya. Habang naglalabas siya ng sama ng loob niya, na-realize ko na may mali rin akong ginawa. Hindi ko naisip na siya yung dahilan kung bakit nakakapag-aral ako at kung bakit ganito ako ngayon. Inisip ko lang lahat ng maling ginawa niya. Pinipigilan kong wag umiyak. Pero naluluha pa rin ako. Di ako masyadong nagsalita during the conversation. Hinayaan ko lang si Clarice magsalita. Dati kasi nung nag-open forum kami dahil din sa awayan nila ni mom, nilabas ko na lahat ng sama ng loob ko. And this time, ganun din eh. Nakakasawa na. But in the end of the conference, nagsorry ako. Niyakap ko siya. At naluha na ko.

Everything was over. Wag na sanang maulit pa yung ganito. Mas masaya pag walang problema. Magkasundo na ang lahat. Magkakasama na kami pumunta sa Techno Hub para magdinner. Siksikan ulit sa Isuzu. Tawanan na sa loob. Happy-happy everyone! :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s