POPPING BOBA


It’s Juliane’s 11th birthday today and we celebrated it not just once, but twice. So many things happened today and I can say that this day is one of the most memorable birthdays of my cousin. I’ll create three different but connecting posts tonight. Kanina pa kasi ako nag-iisip kung pagsasamahin ko na ba ang mga kwento ko sa isang post or ididivide ko ang lahat according to what happened. So, I’ll start it with this. 

2 weeks before Juliane’s birthday, gustong-gusto niya talaga kumain sa eat-all-you can and Tong Yang was his one and only choice. Kaya dun kami naglunch. Special guest namin si Tita Coy. Si papa wala kasi baha sa Cavite kaya di siya makaalis. Si dad, naglaro ata ng golf morning pa lang. Saka magkagalit sila ni mom. Kaya kami-kami lang. Yung Isuzu yung ginamit namin. Pito kami sa loob ng pick-up. Kamusta naman kami diba?! Siksikan. Haha!

Nadala na kami sa left-overs kaya kumuha lang kami ng sure na mauubos. Share-share na lang sa mga kinuhang food pati sa drinks. Haha! Di ako kumuha ng sarili kong dessert dun kasi plano namin ni Cla mag-Green Mango. Pareho kaming frozen yogurt addicts. Haha! Tapos nakakatawa pa kaming tatlong maria. Pare-pareho kaming naka-gray. Pero di kami nag-usap-usap. Napansin ko na lang nung naghihintay kami ng table sa Tong Yang.

Green Mango time! Last kong bili dun ay nung Sunday. Haha! One day gap lang eh noh. Basta frozen yogurt, go na go ako.🙂 Fruits talaga ang favorite kong toppings pag kumakain ako ng yogurt ice cream. Kahit saan, hindi mawawalan ng fruit topping. Kahit isa lang, masaya na ko. But I’ve tried something new. No fruit topping. Kahit yung favorite kong cherry at kiwi ay available, hindi ko pinalagay. Nagustuhan ko kasi ang choco drops at crushed graham as toppings. So kung bibili ako lagi, choco drops, crushed grahams at any of the fruit selection toppings ang ipalalagay ko. Pero kanina, nag-iba ang ihip ng hangin.

Nakatawag-pansin sa’kin yung mga colorful na parang sago. Cuteness! May strawberry, passion fruit, tapos nalimutan ko na yung iba. Kaming dalawa lang ni Cla bumili nung yogurt with toppings. Si caca, plain lang sa cone. Si Juliane, wala. Haha. Dahil sa nacute-an ako dun sa mga parang sago na yun, edi yun na lang yung pinalagay kong isa sa mga toppings.🙂 Tinanong ko yung tindera kung anong tawag dun. Ni isang word wala akong na-intindihan. Haha!

So ayun. Lakad na kami palabas habang sumusubo ako ng ice cream ko. Nung nakain ko na yung isang ‘parang sago’ na yun, nagulat ako. As in I was amazed! Haha! Pumuputok. Argh! Can’t explain well pero parang water balloon na pinutok. Pero soft siya. Pinatikim ko muna kay Caca kasi siya yung katabi ko habang naglalakad. Natuwa din siya. Tapos pinatikim ko na sila Cla and Juliane. Lahat sila natuwa kaya si Juliane napabili na rin.

Tinanong ko ulit yung tindera kung anong tawag dun. Ilang beses ko talaga pinaulit. I heard ‘poppin’ booba’. Iba naman ang pagkakarinig ni Caca. ‘Poppin’ boobap’ daw. Eh dahil sa ito yung pinaka-highlight ng lunch time ko, itong topping na ‘to ang naisip ko maging title. Ni-research ko pa sa Google kung ano ba talaga ang tama. It’s POPPING BOBA. Yan talaga yun.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s