USO MAGSABI NG SAMA NG LOOB


Isa sa mga ayokong katangian ng isang kaibigan ay ang pananahimik. Alam mo yung ikaw na pala yung problema hindi mo man lang alam kasi hindi nagsasabi. Ito lang ah, hindi maaayos ang problema kung sasarilihin mo lang. Tunay na kaibigan ba ang matatawag mo sa hindi marunong magsabi ng tunay na nararamdaman sa’yo? Kasi kung tunay kang kaibigan kahit nakakasakit, sasabihin mo kung alam mong nasa tama ka. Magalit man ang kaibigan mo sa’yo, ang mahalaga natuto siya dahil sa mga kamalian niya.

Dear YOU, kung may mali ako sa’yo, sabihin mo sa’kin. Para di ako nanghuhula. Marunong ako makiramdam pero hindi ako magaling manghula. Wala akong kapangyarihan basahin yang nasa utak mo. Kinausap naman kita. Tinanong kita. Sumagot ka nga pero ‘wala naman’ lang. Ano pang isasagot ko dun? Di ko pinipilit ang taong ayaw magpapilit. Madali akong kausap. Kung ayaw mong sumama dahil sa’kin, wala akong magagawa. Basta niyaya kita, tapos! I know you’re reading some of my posts here. Mabasa mo man o hindi, hindi ko pinagsisisihan ilagay ang nararamdaman ko dito. Mas mabuti na ‘to kesa magsabi pa sa iba. Baka maging issue pa eh. Kung masama loob mo dahil sa may hindi natuloy na bonding, pasensya naman. Magkakaiba kasi tayo ng magulang. Gusto ko naman eh. Gustong-gusto ko kayo makasama. Pero di ako pwede basta-basta na lang magdesisyon ng hindi alam ng nanay ko. Ever since naman alam niyo na yun. Mahirap kaming yayain pag gabi. Kung naka-sagot man ako ng oo, yun ay dahil sa konting information lang ang alam ko sa plano. Sorry.

Di ko na alam kung ano pang sasabihin ko.

-END-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s