LONG CONVERSATION


Okay. Ang tagal na naming hindi nagkikita. And when I say tagal, I mean years. Not just two nor three, but seven! Grade 5 pa kami nung huli kaming nagkita. Eh ngayon college na kami hindi pa rin kami nagkikita. I’m talking about Blaire. Not only my longest best friend but also the original.

After nung mga panahong yun, hindi na kami talaga nagkita o nagkausap. Nung nauso na lang ang ym at friendster, saka na lang kami ulit nagkaron ng communication. Pero hindi pa rin kami gano nakakapag-usap. Basta ang tagal na panahon.

Then one day, I was surprised seeing a friend request. It was from her on Facebook. As in ang laki ng smile ko nung nakita ko yung name niya. Hindi niya alam na ang tagal ko siyang hinahanap sa FB at kahit saan pang social networks. Haha! Nevertheless, I want to thank God for using Facebook. Dahil dun nagkakausap kami. Hindi ko na alam kung pano ko pa sasabihin or ilalagay dito ang mga naging pag-uusap pero ang lakas talaga ng feeling ko na everything would be a continuation of the friendship made so many years ago.

Kanina hanggang ngayon, magkausap na kami sa Facebook. At hindi lang dun, pati sa Twitter. Akalain niyo yun?! Kinaya namin mag-usap gamit ang magkaibang site at magkaibang topic. Haha! Almost 4 hours na ata kami nag-uusap ngayon eh. Baka nga 5 hours pa. Wala lang. Natutuwa lang ako. Parang hindi halata na matagal kaming hindi nagkikita. Nagplano naman na before na magkita na kami pero laging hindi natutuloy dahil sa bugso ng damdamin. Ang pagiging excited. Haha! Kaya ngayon na may plan, pigil na pigil kami pareho para lang matuloy. Hopefully this time, matuloy na talaga. Hindi pa rin sapat na dito lang kami nag-uusap sa mga site.

Ngayon ko napatunayan na hindi porket matagal nang hindi nagkikita at nagkaka-usap, yun ang magiging dahilan ng pagkasira ng isang pagkakaibigan. Ang mga ganoong sitwasyon ang tumutulong upang mapagtibay pa ang relasyon ng magkaibigan. Hindi rin sa kung sino ang lagi mong nakakasama o nakaka-usap ang matatawag mong tunay na kaibigan. Dahil hindi mo alam na ang kinilala mong kaibigan noon ay patuloy na matatawag mong kaibigan ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s