PASENSYA


Pasensya naman kung hindi ako nag-oopen ng mga bagay-bagay pag kayo ang kasama ko. Ugali ko kasi na magsasalita lang ako pag tinanong ako. Dahil dun ko nalalaman kung interesado kayong malaman ang kahit konti tungkol sa buhay ko.

Pasensya kung hindi mo masabayan ang mga trip ko. Hindi naman ako namimilit ng mga tao para masabayan ako. Isa lang ang akin, kung hindi ka makasabay, wag mo kong pakialamanan dahil wala rin akong paki sa mga trip mo.

Pasensya rin sa pagiging straightforward ko. Ayoko lang kasing makipagplastikan sa mga taong hindi ko naman talaga gusto. Hindi ko gustong makasakit. Hangad ko lang na maisip mo na ikaw ang nagkamali. Ginagawa ko yun para makatulong. Kung negative ang dating sayo, wala na kong magagawa pa.

Pasensya naman kung nababara kita. Gusto ko lang na magtawanan tayo. Pero kung makitid ang utak mo, wag ka na lang bumanat para di kita mabara.

Pasensya kung minsan napaka misteryosa o tahimik ako. Ayoko lang kasi magbitiw ng salita agad-agad. Wag kayong mag-alala dahil nakikinig ako. Iniisip ko rin ang bawat sitwasyon. Pinipili ko rin ang mga salitang ilalabas ko sa bibig ko.

Pasensya rin kung minsan pakiramdam mo na hindi kita kaibigan. Hindi totoo yan. May mga tao lang talaga na tunay – at yun ang pinahahalagahan ko dahil alam kong ang mga tao ring iyon ay pinahahalagahan ako.

Pasensya kung naiisip mo na nakalimutan na kita. Kasinungalingan yan. May mga tao lang talaga na matagal ko nang hindi nakakasama kaya gusto ko muna silang pagtuunan ng pansin. Hindi ibig sabihin nun na napalitan ka na. Kung bestfriend man kita, hindi magbabago yun.

Pasensya ka na kung pakiramdam mo nagbago ako. Hindi ako nagbago, ikaw lang ang nakalimot. Busy ka kasi sa iba mo pang kaibigan.

Pasensya ka na kung ganito ang sinulat ko. Nararamdaman ko rin kasi ang mga nararamdaman niyo.

Pasensya na ah. Hindi kasi ako perpektong tao. Pero sana wag mong kalimutan na NANDITO LANG AKO BILANG KAIBIGAN MO. Una man o huli sa listahan ng kaibigan mo, isa lang ang sigurado – hindi kita iiwan, kahit kailan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s