WALA AKONG MAGAGAWA


After a happy day, isang bagay ang biglang nagpalungkot sa’kin. Pag sakay na pagsakay ko pa lang sa kotse, binalita na agad sa’kin ni mom na huling araw na ni Kuya Ariel sa amin. Nanahimik lang ako. Hindi ko na rin nilingon si Kuya Ariel kahit sa tabi niya ko nakaupo. Nalungkot kasi akong bigla. Wala pang one year na namamasukan sa amin si Kuya Ariel pero there were no dull moments with him. Pwera na lang talaga kung kasama namin si dad.

Ang swerte namin kay Kuya Ariel. Hindi lang siya basta driver. Pwede siyang tagaluto pag umuwi na mga maid namin. Wala kaming masabi sa kasipagan niya. Malaki tiwala namin sa kaniya. Mabait siya Kaya kasundo naming lahat. Siya yung pasimuno ng kalokohan, tawanan at kaingayan hindi lang sa kotse pero pati sa loob ng bahay at sa farm.

Naaalala ko pa na matiyaga siyang gumising ng maaga para sunduin ako galing sa graveyard duty ko. Minsan hinahatid sin niya ko sa malalayo kong duty nang walang angal. Hindi siya nagrereklamo pag may utos kami sa kaniya. Masarap siyang kakwentuhan kasi hindi siya tulad ng ibang driver na walang kibo. Yung tipong drive lang ng drive pero hindi nagsasalita pwera na lang kung may itatanong ka. Kaibigan na ang turing ko sa driver namin. Hindi lang kay Kuya Ariel pero pati sa mga katulong namin at sa mga dati rin naming trabahador.

Isa lang naman ang sakit ng ulo ng mga kasama namin dito sa bahay eh. Si daddy. Si daddy at wala nang iba pa. Kami nga na kapamilya sumasakit ang ulo pag kausap o kasama siya eh, pano pa yung driver na maghapon niyang kasama?

Sumuko na yung driver namin sa ugali ng dad ko. Ayaw man namin siyang paalisin pero wala naman kaming magagawa lalo na kung si dad na yung nagsalita.

Hindi ko akalain na ito na yung huling araw ni Kuya Ariel samin. Ramdam ko rin yung kalungkutan niya kasi tahimik siya buong biyahe namin. Hindi ako nagpaalam sa kaniya at hindi rin siya nagpaalam sa amin. Alam ko kasi na magkikita pa rin kami dahil tatawagan ko siya pag kailangan ko ng driver. Awww…

Wala na kong kakunchaba pag gagamitin ko yung kotse at ako yung magdadrive. Wala na kong kakampi sa kulitan. I will surely miss him. Para na siyang kapatid samin. Mga friends ko kasundo din niya.

Hay nako. Sad.😦 But I didn’t said goodbye to him. Patago pa rin namin siyang gagawing driver.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s