SA LABAS UMULAN, SA LOOB BINAHA.


And yes, dinaig pa ng ulan kanina si Ondoy last year. Imagine, nung bumagyo last year hindi naman kami binaha. Eh ngayon, OMG! Bumaha sa buong kitchen hanggang dining room. At pati na rin sa buong sala. May underground kasi house namin. Pero buti na lang di umabot sa kwarto ng dad ko yung tubig. At hindi lang sa baba bumaha, pati sa extension ng bahay bumaha rin. Mga kwarto naming tatlo parang ilog sa baha. Wala pa naman sila mom kanina dahil habang naglilinis kami, sila naman ay nagpapakasarap sa mall. Haha!

Tulong-tulong kami nila Ate Lolit, Clarice, at Patricia mag-alis ng tubig sa bahay. Pero hindi naman pwede na kaming apat sa isang place lang. Actually tatlo lang pala kaming todo kumilos kasi si Patricia naglalaro lang. Haha! Patricia? New name huh. Haha! Anak siya ni Ate Lolit na 7 years old pa lang. Nakatulong naman siya kahit papano pero 70% naglaro lang talaga siya. Haha!

Nung una, nasa taas ako. Naka-apat na timba at 2 basin na ko ng tubig. Ako lang mag-isa kasi lahat sila nasa baba. Nung nagtext ako sandali kay mom, umakyat naman sila sa taas. Kaya ako naman yung bumaba. At hello! Mas maraming tubig sa baba. Kinaya kong mag-isa dun. Pero parang hindi nauubos yung tubig kahit naka dalawang balde na ko. Buti na lang bumaba sila para tulungan ako. Haha!

Grabe! Instant exercise ang nangyari kanina. Pawis na pawis kaming lahat. Ayoko na mangyari yun lalo na kung konti lang kami sa bahay. Ngayon ko na-realize kung gano kahirap magkaroon ng malaking bahay. Ayoko na. Pag nagkaron ako ng sarili kong bahay, okay na sa’kin ang maliit lang. Pero pink pa rin at hugis ni Hello Kitty. Hahaha! :p

Yun lang. Di tuloy ako nakapagchoir. Mag-aayos na sana ko ng sarili ko para umattend ng practice pero biglang sumigaw ng tulong si Clarice eh. Ang kapal naman ng mukha ko kung iiwan ko pa sila dun. Kaya go! Tulong-tulong para mabawasan ang tubig sa loob ng bahay.

Advice for everyone: wag na mangarap ng malaking bahay. Haha! Ay mali. Pwedeng mangarap pero wag na lang tuparin. :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s