CALAMANSI + PUTIK = TIRING FUN!


Di ako masyado natulog kagabi kasi baka maiwan ako papuntang Laguna. Kaya tulog ako mula Commonwealth hanggang farm. Haha! Pag dating pa namin dun sa bahay natulog ako uli. Gumising ako para magbreakfast tapos sumama na ko sa mga tao magharvest ng calamansi. Sa tagal ko nang nagpupunta dun, ito pa lang yung unang beses na pumayag ako magharvest ng maputik. First time ko rin magsuot ng rubber boots. Sayang lang talaga kasi wala akong dalang camera.

After magharvest, natulog ulit ako. Nung gumising ako, nasa tabi ko na si mom at siya naman ang natulog. Pinanuod ko na lang magtimbang ng mga calamansi si Kuya Ariel.

Walang humpay na tawanan habang kumakain kami ng lunch. Late na nga kami naglunch kasi hindi agad naluto yung sinigang.

Di na rin kami nagtagal dun after kumain. Nagpasweldo na lang si mom tapos hiningi yung listahan ng benta sa bakery tapos umuwi na kami. But this time, hindi na ko masyadong nakatulog kasi may ka-text ako. Pumipikit ako pero pag may nagtext gumigising ako para magreply. Natulog na lang ako nung hindi na nagreply yung katext ko.

Ayun lang naman. Isang nakakapagod ngunit masayang araw.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s