LESS OIL. LESS SALT. LESS FAT. LESS SUGAR. NO VETSIN.


Gumising ako ng maaga para pumunta ng megamall. Main goal ko ay para paayos yung laptop ko. Pero bago pa kami tuluyang makarating sa dapat puntahan, nagbreakfast muna kami sa KFC. Dumating kasi sila Maki and Niko para kunin yung pug. After kumain, umuwi muna uli para nga dun sa aso. Siyempre bago umalis, humingi ako ng pera kay dad para naman may pangshopping ng konti.🙂 Actually para ibayad sa pagpapagawa ng laptop ko.

Pag dating sa Asus, tinignan nila kung ano yung problema. Muka talagang walang problema pero sabi ko dun sa technician, parang ako lang yun na minsan may topak, minsan wala. Kaya nung inexplain ko yung problema, nalaman na nila na keypad yung matagal ko nang suliranin. Haha! Buti na lang under waranty pa yun kaya wala akong binayaran. Pulled-out ang keypad ng laptop ko kaya magagamit ko pa rin siya. Kakabitan ko na lang ng ordinary keyboard kaya pwede na rin. Next month ko pa nga lang makukuha ulit.

After dun sa laptop thingy, bumili si mom ng basket at bag. Biglang nagtext yung pinsan ko kung pwede sila sunduin sa UST kasi sobrang lakas daw ng ulan at hindi sila makauwi. Kaya sabi ko sa mom ko, magpapahatid muna kami sa Greenhills saka namin pasusundo sa driver yung mga pinsan ko. At eto na nga! Pumunta ako agad sa favorite stall ko kung san ako lagi bumibili ng mga accessories. Ang tagal ko rin pumili dun at pinilit ko pang kumuha ng partner-partner. I mean, kung ano bracelet dapat ganun din ang necklace. Haha! Wala na kasi akong problema pag dating sa mga hikaw kaya kwintas at bracelet ang binili ko. Pati pala isang butterfly na singsing.🙂 Naka 550 pesos ako kasi si mommy nilibre ko ng 100 worth na necklace na ibibigay daw niya.

Accessories = check! Haha. Shoes naman. Nung Saturday ko pa sinasabi sa friend ko na bibili ako ng yellow na shoes. So nakakita ako. Unfortunately, walang size para sakin. May nakita akong yellow na sandals. Kaya yun na lang kinuha ko. Bumili rin ako ng black wedge na pwede ko gamitin sa school. A total of 580 pesos yung dalawang sapatos. Hindi na ko bumili ng damit kasi hindi ko na alam kung san ko pa ilalagay yung mga damit ko sa dami. Ewan ko.

Nakaramdam ng gutom si mom habang hinihintay namin yung mga pinsan ko kaya nagmerienda muna kami sa Luk Yuen. Excited na yung mga pinsan ko kasi akala nila makakapagshopping din sila. Eh ang tagal naman nilang dumating dahil sa tindi ng traffic. Eh may pupuntahan pa ulit kami ni mom. So umuwi na lang kami. Sa Saturday na lang sila maglalakwatcha.

Hindi naman kami nagtagal sa bahay kasi babalik ulit kami sa megamall dahil may dinner with other relatives. Ako lang ang kasama ni mom kasi wala siyang kasama at hindi daw niya alam ang pupuntahan niya. Minsan lang naman magpasama sakin si mommy kaya pinagbigyan ko na. Nung dumating kami dun, ang tagal din namin naghintay kaya naisip ko na buti na lang kasama ako ni mom dahil kawawa naman siya kung mag-isa lang siyang nakaupo dun.

Chinese food ulit ang kinain namin. Haha! But this time, bagong resto. As in first time naming lahat kumain dun. Hong Kong Choi ang name ng restaurant. We had taho for dessert. First time yun! Haha! Ang sarap ng taho nila. Hindi masyadong matamis yung syrup. Ang cute pa nung lalagyan.🙂

Nagtagal kami dahil sa mga kwentuhan. Sari-saring kwento ang mga napakinggan ko. Basta after nun, uwian na.🙂

Bakit ganyan title ko? Kasi yan yung nakasulat sa placemat nung restaurant na kinainan namin. Bagay sa aming lahat. Hahaha!

But nevertheless, I enjoyed this day. Buti na lang walang meeting.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s