SORRY! NASUNOG EH…


Last Saturday, late dumating si mom and dad from Laguna. Nadatnan ako ni dad sa kusina tapos pinatawag niya tita ko para magprito ng isda. Eh nasa taas yung tita ko kaya sabi ko sa sarili ko, ako na lang. Perfect naman ako magfry ng eggs eh. Haha! Tapos sinilip niya yung kusina kung sino nagpiprito. Ayun. Ako ang nakita.

Eto na ang kaganapan kagabi. Si dad nasa loob ng kwarto at ako nasa kusina para magcoffee. Lumabas siya at nakakita ng dried fish na bigay ng friend niya. Dahil sa nakita niya ko nung isang araw na nagprito ng itlog, ako tuloy ang inutusan magprito ng manipis at mahabang isdang yun. Walong isda ang nagkasya sa kawali kaya inuna ko na. Ang utos niya kasi sakin, lutuin lahat. Okay. But wait! Nung hinango ko na yung walong isda, wow! Hindi lang tustado, sunog talaga. Sabi ko sa sarili ko, “shocks! Sunog! Lagot! Patay!” Hindi pala dapat patagalin yun sa kawali kaya nagprito pa ulit ako ng tatlo. Infairness, perfect na yung tatlo. Haha! Sana pala tatlo na lang yung inuna ko para hindi nasayang yung walo. Nung pinasok ko na sa loob yung mga pinrito ko, pumunta ako sa may cabinet para kumuha na nga ng kape. Sabay labas naman ng dad ko sa kwarto niya para kunin yung mga isda. OMG! Wala na siyang tigil sa comment. Haha! Pero di naman niya ko pinagalitan. Sabi ko na lang, piprituhin ko na lang yung mga natira pa. Sabi pa niya, “Ano? Piprituhin mo ulit tulad ng ginawa mo dito?” Siyempre nahiya ako kaya inayos ko na talaga.

Hay nako! Any kind of cooking isn’t for me. Pakantahin niyo na lang ako ng kahit ano wag lang ako paglutuin kung gusto niyong may makain kayong matino. Haha! Si Kuya Ariel inasar pa ko kasi nakita niya yung mga imperfect kong luto. Pang-gatong daw yun. BV! Haha. Si mommy rin pinagtawanan ako. Okay fine! Ako na talaga ang mali-mali. Kasi naman eh noh. Konti lang ang alam kong lutuin. At never ako nagprito ng kahit anong isda. First time ko yung kagabi. As in!

Ito na naman ang isang katatawanang nangyari sakin na hinding-hindi ko makakalimutan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s