BURLOLOY


Last month ata ako nagdispose ng mga lumang accessories kasi nagmumuka ng bodega yung kwarto ko. Haha! Ang dami kong tinapon na sirang hikaw saka mga luma at ayoko nang mga bracelet at kwintas. So ayun. Okay na. Tinira ko na lang yung mga ginagamit ko pa saka yung mga pang casual lang na pwede na.

Nung araw na nag-aayos na ko para pumunta sa ABS-CBN, dun ako naghalungkat ng mga accessories na babagay sa suot ko. Dun ako nagsisi na sana hindi na lang ako nagtapon.😐 Yung mga natira, hindi na nagjive dun sa outfit ko na gray blouse na may cheetah tapos super konti ng touch ng yellow. Kaya naisip ko na babawiin ko sa accessories yung color yellow. Eto na ngayon. Gusto ko magsuot ng bangles pero wala na pala kasi nasama na sa nadispose. Buti nakahanap ako ng beaded bracelets na dalawang yellow tapos yung isa black. Bumagay naman yung black sa suot ko kaya carry lang. So okay na. Nanghinayang lang ako sa mga tinapon ko.😐

Simula nun, sabi ko sa sarili ko na pag nakuha ko yung allowance ko, gagastusin ko yung 1000 php para sa mga accessories. Kasi sobrang nanghinayang talaga ko. Kaya kanina right after class, gora ako sa Trinoma. Wala akong kasama. Mas gusto ko magtagal sa mall ng walang kasama. Kasi matagal ako pumili. May mga tao pa naman na mahirap kasama. Puro reklamo and all. Haha!

Rings, bracelet, necklace, hair clamp na may flower at siyempre hikaw.🙂 More than 500php yung nagastos ko. Ang tagal kong umikot-ikot dun kasi gusto kong kunin lahat. Pero syempre limited ang budget. Haha! Sa Christmas at sa birthday ko, puro accessories ang hihilingin ko. Talagang-talaga!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s