AKO NA ANG NAG-INGAY SA OFFICE


Pinarinig ko kahapon ang chorus ng kanta na kakantahin ko sa nursing idol kay Ma’am Inay. Chorus lang after nung klase namin. No time to practice yesterday kasi late na. Kaya sinabihan niya ko kahapon na puntahan ko siya sa office bukas – which is today.

Ayun na nga. Pinuntahan ko siya sa office with Violet. Eto naman kasing si Violeta mas excited pa kaya napilitan na talaga kong kumanta dun. Bago sila magbreak time, nandun na ko. Medyo maaga rin kasi kami pinaglunch ni Ms. Marasigan kaya mahaba yung time para magpractice. Pero mahirap magpractice pag walang music, right? Kaya pinayagan ako ni ma’am na gamitin yung pc niya at headset. Kaya ang lagay, ako lang nakakarinig sa minus one at boses ko lang ang naririnig ng mga tao sa office.

Ma’am Inay is my student council adviser and my spiritual care subject prof. But! I heard her sing. Maganda boses ni ma’am ah. Infairness. I requested for a voice coach eh. Kaya lang hindi pwede yung mga coach ko dati sa CPMP kaya akala ko si Dean Honey na yung magiging coach ko. Kaya lang pag pumupunta ko sa school, siya yung wala. So si Ma’am Inay na lang.

After ng first practice, nagbigay na siya ng comment. At yung comment na sinabi niya, never ko narinig sa mga naging coach ko. Hindi ko naiwasan ang hindi magcompare. My former coaches just guided me to do techniques in reaching high notes and so on. They taught me the proper way of breathing and how you should appear on stage. But they never told me to understand the lyrics and feel the song before singing which Ma’am Inay taught me. Nagtagal kami dahil lang sa kulang na emotion. Yun ang lagi niyang comment sa’kin. Always feel your song. Pinaintindi niya muna sa’kin yung kanta bago niya ko pakantahin ulit. I learned a lot about enunciation. Lesson ko na yun before eh. Pero iba yung impact ng turo sa’kin ni inay. Yung Stand Up for Love, ang tagal ko ng kinakanta yun pero ngayon ko lang naintindihan at naramdaman yung buong kanta. Two thumbs up for Ma’am Inay! Lagi niyang sinasabi na ilagay ko yung sarili ko sa sitwasyon na nilalaman nung kanta. She told me that my goal would be to send the message of the song. Yun bang kung matatalo man, maaalala ako ng mga audience dahil sa nadala ko sila dun sa kanta at may panghihinayang na ‘Ay sayang. Nanalo sana.’

Her words and advices were very meaningful. Ang laking tulong nun para sa’kin. I realized something – that I’m just singing for the sake of singing. Meaning, kumakanta lang ako dahil sa kaya ko, talento ko, at gusto ko. Pero nakalimutan ko na oo nga pala. Dapat maramdaman ko yung kanta para maramdaman din ako ng mga makikinig. Seryoso! Ilang beses pinabasa sa’kin ni Ma’am Inay yung lyrics at pinaintindi niya talaga sa’kin yung meaning nun. First line pa lang, pinapahinto niya ko pag hindi niya maramdaman yung message nung song. Ang galing niya! I can say na mas okay siya maging vocal coach.🙂 Hindi man techniques yung mga tinuro niya, mas mahalaga yung paglalagay ng emotion sa kanta.

Habang kumakanta ko sa cubicle ni Ma’am Inay, siyempre naririnig ako ng mga tao sa loob. Wala na. Wala nang hiya-hiya. Kumanta ko kahit ako lang nakakarinig ng minus one. Si Violet nandun din. Nakikinig. Yung registrar namin, si Ma’am Marlene, kahit may kausap, nakikinig din pala. Haha! May mga parts na minsan mali ako ng basa kaya tumitigil ako tapos bigla ko na lang nasasabi na “Ano nga ulit yun?!”. Haha! Nakikinig pala sila kaya napapa-comment sila kasi twice ata ako huminto dahil sa maling pagbabasa ng lyrics. Haha! OMG lang kasi bukas-sarado yung pinto ng office dahil sa paglabas-pasok ng mga tao kaya aware ako na maririnig at maririnig nila ko. Nako! Para lang makapagconcentrate ako ng todo, hindi ko na lang sila pinapansin at tuloy pa rin sa pagkanta. Haha!

Yun nga lang, hindi pa rin sure kung tuloy ang contest dahil hindi pa ko nakakatanggap ng confirmation. Okay lang. Ang mahalaga, nagpractice ako at handa ako sa kung ano man ang mangyari. Hindi ko man makanta ‘to sa contest, may araw pa rin na makakanta ko ‘to sa school. Haha!

Before ending this, one thing more. A big thanks to Ms. Irma Nanay Yacapin.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s