DAD’S LAST DAY


Sinipag akong umattend ng meeting ng council today. Oh well, the thing was, I was supposed to practice my song with Dean Honey but I was with my mom because she accompanied me to Asus for my laptop’s problem. So anyways, ayun. Before 3pm nasa school na ko at naghintay ako para sa meeting. Ang lakas pa ng ulan and all.

Ginamit ko yung car ni dad and his driver para magpahintay na lang sa school. Umuulan kasi at nakakatamad umuwi ng mag-isa. Tapos dala ko pa laptop ko. Delikado magcommute pag may dalang mamahaling gamit kaya ininsist ko na hintayin na lang ako ng driver. Good thing! Malakas ako kay dad kaya hindi niya ko tinanggihan. Di nga niya ko tinatawagan kahit sobrang late na.

Nung papunta na kami sa office ng dad, sumalubong naman sa’min ang tindi ng traffic. Kaya siyempre si dad naiinip na yun. Ayaw pa naman niya ng matagal na naghihintay. He kept on calling the driver’s phone. Hinahanda ko nga yung sarili ko pag sa’kin siya tumawag eh. Si mom yung ka-text ko at nag-aalala siya na baka pagalitan ako ng dad. But wait! When we arrived there, hindi naman nagalit si dad. Tinanong lang niya kung bakit ang tagal ko sa school. Inalok pa nga niya ko ng hopia eh. Haha! Konting usapan sa car. Nalaman ko na last day na niya sa office. So it means, nasa bahay na siya madalas.

Ewan ko ah. I know how dad loves me. And I love him too. But there are things that go wrong. Not to me, but to my family. May mga baluktot na pag-iisip si dad minsan madalas. Kaya yun ang pinagmumulan ng away nila ni mom. Kaya minsan, naiinis rin ako. Pero wala naman kaming magagawa eh. Ako, kailangan ko lang sumunod at maghintay. Yun lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s