MAGKAIBIGAN


Nung Sunday, first time kong napanuod ang movie na “Magkaibigan” nila Christopher de Leon at Jinggoy Estrada. Akala ko corny. Hindi ko naumpisahan kasi busy ako sa laptop ko dahil nagloloko. Pero nung pinanuod ko na, grabe! Umiyak ako after.

Hindi ko na kailangan i-detalye ang buong storya. Eto na lang. Magbestfriend silang dalawa. Tapos itong si Christopher nagkaron ng cancer tapos kumalat na hanggang sa pancreas. Pareho silang may sarili ng pamilya. Friends din ang mga asawa nila pati mga anak. But Christopher chose to tell Jinggoy his problem first. Tapos ayun. Sinoportahan ni Jinggoy si Christopher hanggang sa huli. Siya ang unang naka-alam at siya rin ang huling taong nakasama ni Christopher nung nawalan siya ng hininga.

Naluha ako sa storya kasi bigla kong naisip na meron ba akong kaibigan na ganun? I mean, yung tunay. Yung hindi ako iiwan hanggang sa huli. Inisip ko yung mga kaibigan ko ngayon. Yung sa simpleng problema, handa akong pakinggan kahit anong oras at kahit ano pa ang ginagawa. Yung bibigyan ako ng konting oras para lang maipakita sa akin na kaibigan siya. Lalo akong naiyak nung nalaman kong parang wala pa. Ang dami kong tinatawag na bestfriend pero hindi ko pa ata nakikita yung kaibigan na hanap ko.

Hindi pa naman huli ang lahat diba? Marami pa kong makikilala. Pero mas pinahahalagahan ko yung mga kaibigan ko ngayon. Marami nga sila. Pero isa lang ang masasabi kong tunay at totoo. Hindi ko pa nga lang kilala ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s