I SURRENDER


ni Celine Dion ang suggested song sakin ng dati kong vocal coach para sa contest. Sabi ko kasi sa kaniya na sinabihan ako na dapat challenging at competitive ang choice of song. Ito na nga ba ang pipiliin kong kanta o I’ll just surrender and not continue accepting the challenge. Hay! Kagabi pa ko nag-iisip about sa contest na ito.

Wala namang problema sa’kin kung isali man ako sa contest kasi alam kong kaya kong gawin at naniniwala ako sa kakayahan ko. At hindi naman ako pipiliin ng mga tao sa school kung wala silang tiwala sa akin. Naranasan ko rin naman ng sumali sa contest at kumanta sa harap ng maraming tao at handa akong harapin kung anuman ang kapalaran ko. Manalo man o matalo, okay lang. Basta nakita ng mga tao ang talent ko, okay na sa’kin yun.

Sana lang kasi, sinabihan ako ng mas maaga. Hello naman! Next week na yung contest. At kamusta naman ako diba?! Hindi naman ako perfect para aralin at kayanin ang kantang ngayon ko lang narinig. At isa pa, almost 3 years na ko walang training. Choir member ako kaya ang boses ko, pang simbahan. Yung boses ko, hindi na katulad ng dati. Wala naman nagbago sa voice range pero I’m talking about the techniques here. Church songs and pop songs are sang differently. Iba ang technique pag kumakanta ng pambirit na song. [sighs!] Although kaya ko magpractice mag-isa, mas maganda pa rin kung may vocal coach. Para malaman ko kung maganda ba yung tunog ng boses ko at kung tama ba yung ginagawa ko. Hindi ako pwede umasa na lang at magtiwala sa sarili ko na kaya ko. Sabihin na natin na abot ko nga yung kanta, ang tanong, maganda bang pakinggan? Hay! Ang hirap kasi ng biglaan eh. Pangalan ng school ang nakasalalay dito.

Ito pa ang isa. Sana lang nararamdaman ko yung suporta nila. Kasi kung talagang suportado nila ko, dapat may naka-ready na na voice coach para practice na lang agad. Eh hindi eh. Ako pa yung namomroblema kung san ako hahanap ng pwedeng magcoach. Buti na lang at may kilala ako. Pero hindi ko alam kung pwede sila for free at pwede ang one-on-one session. Sabihin na nating hindi, o san naman ako kukuha ng pera pang gastos? Unfair naman siguro kung ako na nga yung pinasali nila, ako pa yung gagastos. Yung outfit pa na gagamitin. One week na lang! Ano ba! Sila na lang kaya ang sumali at ako ang papalakpak.

Sa Monday talaga kakausapin ko sila. Hindi pwedeng ganito na lang. Takot na takot na nga ako magkasakit dahil iniisip ko talaga yung pangalan ng school. First time nila sasali sa ganito at ako pa yung napili nila magrepresent. Alam ko pinangarap ko rin ang ganito dahil ever since naman, gusto ko maging singer at hindi maging nurse. Pero wala na eh. Kailangan ko ng harapin ang lahat. Suporta lang mula sa kanila. Dahil kung sa mga kaibigan, alam kong buo ang suporta nila sakin. Siyempre pati pamilya ko. Buo rin ang loob kong ituloy ‘to. Suporta lang ng school ang hinihiling ko. Yun lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s