SURPRISING THURSDAY


Kanina habang nag-eexam ako sa faculty room for the special exam, narinig kong tinatanong ni Sir Earl kay Ms. Nica kung may contact siya ni JM Abogado (SC President). Tapos nung tinanong kung para saan, para daw sa Nursing Idol. So okay. Akala ko next activity or project yun ng Student Council. Being part of the council, sabi ko na lang sa sarili ko na baka magmeeting kami about that kaya hindi ko na pinansin. Pero bakit nursing lang? Sa liit ng school, bakit hindi na lang NEC Idol? Inisip ko ulit pero mas kailangan kong tutukan yung exam na sinasagutan ko.

After ng English subject ko, nakita ko si JM sa parking lot. Eh nasa taas ako. Sinigaw niya sakin na kakanta daw ako para sa Nursing Idol. LOLWHUT?! Bumaba tuloy ako ng di oras. Pagkagaling ko sa CR, nakita ako ni Violet tapos tinawag niya ko kasi daw may pag-uusapan sa office. Edi okay. Pag pasok ko dun, nagcocompute pa rin sila ng mga ginastos nung nakaraang sportsfest.

Tapos ayun na nga, napag-usapan na yung Nursing Idol. Singing contest pala yun hindi sa loob ng school. Ang ibig pala nilang sabihin ay ako ang representative ng New England College para kalabanin ang ibang school. Ako naman, napa-HAH?! Seryoso ba ito?! Haha!

Seryoso nga sila. Actually, nagsimula lang naman ang pagkakadiscover sa talent ko nung nag-audition ako para sa Music group. Tapos nung biglaan akong napakanta nung opening ng sportsfest. Sinabihan ako ng dean na susuportahan nila ang student na magrerepresent ng school pag sumali ng mga contest na ganun. So ito na nga. Ito na nga talaga. Ang masaklap lang, next Sunday na yun. Hello?! I have a song in mind pero hindi ako makakapagpractice ng ako lang. Although kaya naman, pero iba pa rin ang may vocal coach. Outfit. Wala pa. Do I have to wear gown or cocktail dress or what. Ano?! Yung iba pang gastos. Nako ah. Hindi biro ang ganung preparation. Saka wala akong pera para gumastos ng ganun. So I really need the help from my school’s office. Sila naman ang nag-encourage nito sakin kaya I’m hoping and expecting for a 101% support.

Basta makita ko lang na full support sila sakin, seseryosohin ko talaga ang contest na ito. Sa kasamaang palad, sinisipon ako ngayon at mukhang lagnatin ako. Hopefully not! I just want my family and friends’ support. Gusto ko nandun sila sa araw ng contest. Manalo man o matalo, basta nandun sila, magiging masaya ako. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s