MATAMPUHIN


Ngayon ko lang na-realize na madali ako magtampo. Kahit sa maliit na bagay lalo na pag feeling ko na parang napalitan ako or whatsoever. Ako kasi yung tipo ng tao na pag may sinabi ka sa’kin, gano man kababaw or what, panghahawakan ko yun. Kaya pag sinabi mong friends tayo, pangatawanan mo.

Bakit ang sensitive ko ngayon? Ngayon lang ba o ngayon ko lang nalaman na may side pala akong ganito? Wala lang. Naguguluhan lang ako. Siguro nga hindi ko pa ganun kakilala ang sarili ko. Or should I say, dapat ko pang kilalanin ang sarili ko. Although may mga bagay na alam na alam ko na. Pero diba nga, may mga katangian ka na hindi mo alam na parte na pala ng pagkatao mo. Mga tunay na kaibigan mo lang ang nakakaalam.

Ano ba kasi? Labo ko. Parang ang gulo nitong post ko na ito. Type lang ako ng type. Nilalagay ko lang kung anong lumabas sa isip ko. Tampo. Tampo. Tampo.

Ugali ko na pala ito. Siguro nga ngayon ko lang talaga inamin sa sarili ko. Basta pag nagtatampo ako, I think of two sides. Yung hinala, paghihinalaan ko pa. Gulo ba? Basta! Kayo na bahala umintindi. Ganito na lang. Pag negative ang paghihinala ko, kokontrahin ko yun at gagawing positive. Way ko na lang siguro para hindi na tumuloy yung pagtatampo ko.

[sighs!]

I don’t know what to say next. I’ll just end this here – .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s