LAKWATCHA BAGO ESKWELA


Biglaan na naman. Hay! Di na ba uso ang pagpaplano? Haha! Tanghali na ko nagising kanina dahil napuyat ako dahil sa sipon. Actually, di naman as in napuyat. Gumising lang ako ng madaling araw dahil di na ko makahinga dahil barado ang ilong ko.

So ayun. Nung pumasok ang mommy ko sa kwarto, nakita na niya kong nakaupo at nagkakamot ng paa. “Kamot na naman!”, yan ang bungad niya sa’kin. Oh well. What can I do? It’s damn itchy! Haha! Dahil sa pagkati na naman ng paa ko, bigla na lang niya sinabi sa’kin na punta daw siya ng SM North kasi may bibilhin daw siya para sa bakery. Tamang-tama kasi 4pm pa ang pasok ko. Kaya may oras pa para maglakwatcha.

Bibili sana ko ng shoes. Kaya lang wala akong nagustuhan. Sabi ko bag na lang. Eh sobrang mahal naman. Bankrupt kasi ako dahil sa paglalakwatcha ko kahapon kaya di ako makabili ng gusto ko. Ayokong humingi sa mom ko ng malaking pera kung para sa luho ko lang. Haha! Kung hihingi man ako sa kanya para sa luho ko, less than 1K lang ang hihingin ko. Ayun. Ang ending, wala akong nabili. Naglunch na lang kami tapos pumasok na ko sa school. Plano ko pa sundan sila sa Trinoma after class kaya lang sabi nila sandali lang sila dun.

Sows. Pag-uwi ko, si Juliane lang ang nadatnan ko sa bahay. In short, nasa mall pa sila. Okay lang. Sabi naman ni mommy na pwede na daw ako magshopping by next week. Whoa! Nanlaki ang mga mata ko at lumitaw ang malaking ngiti sa labi ko nung marinig ko yun. Siyempre! Tuwang-tuwa ako. Binigyan ko naman ng araw ang nanay ko para siya naman ang magshopping. Lagi na lang kasing kami kaya it’s her time to shop! Haha!

Basta next week, ako naman ulit! :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s