BANKRUPT


Plan ko talaga pumunta ng Trinoma after class. Kagabi pa nakapako sa utak ko na aalis talaga ko. I spent my yesterday for my choir habang naglalakwatcha ang mga pinsan ko. Define envy. Sila nagshopping, ako ayun. Kumakanta. Pero okay lang. Medyo matagal rin akong nawala sa choir kaya kailangan kong bumawi.

Hindi naging madali ang exam kanina. Grabe lang talaga. Pero kaya pa naman bawiin sa finals. Kaya nagpasya kami ni Claire na pumunta na lang sa Trinoma at ikain na lang ng Red Mango ang hirap na pinagdaanan namin sa exam. Haha! Yun lang talaga ang plano. Kumain ng frozen yogurt. I planned to buy a pair of havaianas. Pero ang isang plano, biglang nadagdagan.

Kumain kami sa Sbarro. And yes, okay na ulit ako sa resto na yun. Haha! Sinaniban na naman ako ng pagkatakaw mata. Kaya unti-unti kong pinilit ubusin yung pagkain ko. Na-miss ko tuloy ang dakila kong taga-ubos. Haha! :)) Dahil sa kabusugan, lumibot na kami ni Claire sa Landmark. Yung paglilibot, nauwi sa pagbili. Haha! Ang planong havaianas, nauwi sa damit. Hay! Hindi pa kami kuntento kasi ang dami pa naming gustong bilhin. May na-miss na naman ako. Ang aking shopping buddy.

Anyway, after namin bumili, punta na sa Red Mango. Ayun, as usual. Ako na naman ang takaw mata. May pa-medium medium pa kong nalalaman, di ko rin pala mauubos. Pinilit kong ipaubos kay Claire pero ayaw niya na talaga. Hay! Kung kasama ko lang ang dakila kong taga-ubos, di niya yun tatanggihan.🙂

After nun, uwi na. Wala ng pera. Sakto pamasahe ang natira. Akala ko nga pati pambayad ng tricycle wala na ko eh. Awww. Taghirap ako this week. Next week ko pa makukuha ang allowance ko.

Marami pang next time.🙂 Hindi pa natatapos dito ang paglalakwatcha…😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s