ALL BY MYSELF


Okay. Pag nakaramdam talaga ko, nagkakatotoo. Kagabi kasi bigla kong na-feel na hindi matutuloy ang plano kong manuod ng Despicable Me.😦 Gustong-gusto ko pa naman talaga manuod nun. Pero lahat ng niyaya ko may dahilan kung bakit di nakasama sa’kin eh. Okay lang. Busy eh. Marami pa namang araw para makapanuod ako nun. Besides, Holiday naman next Friday at wala naman akong pasok pag Wednesday. Susulitin ko na ngayong 1st sem. Kasi busy much na ko next sem hanggang sa grumaduate ako.🙂

There you go. My today’s story is all about being alone. Hindi naman ako nalungkot kahit mag-isa lang akong gumala. Mas tipid nga pag ako lang mag-isa eh although namiss kong kasama yung friends ko. Hindi ako makapag-shopping pag ako lang mag-isa. Gusto ko yung may karamay ako. Haha!🙂 Ano nga bang ginawa ko?

Pagdating ko sa SM, go agad ako sa Let’s Face It. Dun ko kasi pinagkakatiwala ang aking mga kuko. Pero ang daming tao nung dumating ako dun kaya sabi nung receptionist, 12:30 pa ko uumpisahan. So okay. Umikot muna ko sa mall. Pumunta ko sa Globe kasi mag-aapply sana ko ng My Fully Loaded Plan, nawala sa isip ko na may requirements nga pala na dapat ipasa. So ayun. Next week ako babalik kasi yung free unit na gusto ko, hindi pa available. In fairness naman sa SM Fairview, lumilevel up. Para na kong nagpunta sa Megamall/The Block.🙂 Naaliw lang ako. After ko sa Globe, punta naman ako ng Watsons para bumili ng conditioner.

Then, naisip ko na hindi pa pala ko kumain kaya dumaan ako sa Dunkin Donuts. Nagcombo 3 ako: 5 munchkins with one regular drink. Umiral ang pagkatakaw mata ko kaya nagdagdag ako ng isang butternut na donut. Inuna ko yung regular donut bago yung mga munchkins. Nung naubos ko na yung butternut at nakadalawa na ko ng munchkins, nabusog na ko. Uh-oh! Wala akong kasama kaya walang uubos nung kinakain ko kaya pinilit kong ubusin.

Di na ko nagtagal pa dun kaya go na ko sa National. Bumili na ko ng folder para i-compile lahat ng assignments ko sa English. May 20 minutes pa naman ako bago ko bumalik sa Let’s Face It.

Ito na ang pinakahihintay kong magaganap. Ang pagpapa-pedicure!🙂 Matagal-tagal na rin akong di nakakapagpalinis ng kuko. Hay! Pwede na nga ata pagtamnan ng kamote eh. Haha! Okay. Ready na ko.

2 hours ako nasa loob. May foot massage na kasama.🙂 2 years na ko nagpapalinis sa Let’s Face It. Gusto ko service nila at relaxing yung environment. Makakatulog ko sa ganda ng music and cool atmosphere. Dim lights pa kaya nakaka-antok. Bonus pa pag magaling yung gumagawa. Haha! Dati kasi, Meanne yung regular na manicurista ko. Nung January nagresign na kasi lumipad na papuntang Dubai. Kaya ngayon, Clara na ang laging gumagawa sa akin. Hindi ko nararamdaman na kinakalikot na niya yung kuko ko kaya di ko nararamdaman yung sakit. Di tulad ng iba, natatadyakan ko dahil masakit yung pagkakagawa nila. Pero sa Let’s Face It, saludo ako sa kanila. Well trained. Hindi nagmamadali, at malinis na malinis ang gawa.

That’s all. Haha! After 2 weeks, babalik ako ulit dun.🙂 Pero next ko munang gagawin, ang magpagupit.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s