WEIRD DREAM


Dahil nga sa late na ko natulog, as in morning na, ang gulo ng panaginip ko. Hindi ko maintindihan. Iba-ibang tao, iba-ibang place. In short, halo-halo. Yung mga emotions, ganun din. Iba-iba.

Ilalagay ko dito yung mga naaalala ko. Hindi ko alam kung bar ba yun, mall, restaurant or what. Basta crowded. I’m with friends. Parang 6 kami magkakasama na umupo sa table para kumain. Di ko nga alam kung what time of the day naganap yun eh. Ang natatandaan ko lang na tao is (I don’t wanna name names here) one of my bestfriends at isang guy. Malinaw sa akin kung sino si guy. Dahil sa crowded, nauunang naglalakad yung bestfriend ko. Tapos lumilingon siya sa amin nung guy na kasama ko. Hawak nung guy yung kamay ko habang naglalakad kami patagilid. Basta si bestfriend yung nauuna, ako, tapos yung guy yung last. So nung naka-upo na kami, yung bestfriend ko, nakikipag-usap na sa ibang friends namin. Yung pwesto kasi nasa semi-long table kami tapos harapan. Hindi malinaw sa akin kung sinong friends yung nasa tapat namin pero yung kaming tatlo lang talaga ng bestfriend ko at nung guy yung malinaw sa akin. Habang nakikipag-usap yung bestfriend ko sa ibang friends namin, may sariling mundo kami nung guy. Gumagawa siya nun ng bracelet habang nag-uusap kami about love. Yung bestfriend ko, lingon ng lingon. Pero hindi niya ko kinakausap. Tapos yung guy, nung natapos niya gawin yung bracelet, nilagay niya sa maliit na box saka niya inabot sa akin. May nakalagay na “I love you” sa box. Tapos yun na. Hanggang holding hands lang naman yung nangyari saka konting hug.

Naalimpungatan ako dahil narinig ko ang boses ng mom ko na nagtanong about my sun cell. So nasa diwa ako na gising ako. Nakapikit pa rin ako. Pilit kong tinutuloy yung dream ko. Hanggang sa nakatulog ako ulit at ibang panaginip naman ang napanaginipan ko. Eto naman, nakasakay ako sa jeep. Maraming nakasakay. Nasa bandang litex daw ako nun at papunta ako ng SM Fairview. Di ko nabasa kung anong nakalagay sa jeep. Basta nakasakay ako dun. Di ko namalayan, nasa ibang lugar na ko. Narinig ko yung isang babae na nasa Lagro na daw kami. Hindi ko matandaan na bumaba ako sa jeep basta pumasok ako sa isang malaking bahay. Pag pasok ko sa loob, sari-saring tao ang nakita ko sa loob. May lalaki na humila sa akin. Ibang lalaki. Hindi ko kilala. Pinilit niya ko pumasok sa isang malaking kwarto with other girls. May isang malaki at mataas na kama doon. Colorful. As in malaki yung bed. Ang daming pwedeng humiga. Yung lalaki na nagyaya sa ‘kin sa kwarto na yun, may kasama ng dalawang babae. Napansin ko na pare-pareho ang mga suot ng mga babaeng nakahiga dun sa malaking kama. Meron pa silang suot na parang shower cap yung itsura pero may orange, yellow, green na kulay yung cap na may tali. May isang girl na hindi makasampa sa kama. Ako nakatingin lang sa kanila. Tapos sabi nung guy sa akin na magpalit na daw ako ng damit. Katulad nung sakanila. Nakahanda na daw sa dressing room. Tapos yun. Sinunod ko siya. Nagpalit ako ng damit at humiga na sa kama kasama nila. Sabi nung lalaki sa akin, “dito ka sa tabi ko.” So ako naman, sumunod. Umalis yung girl na katabi niya at ako ang pumalit. Tapos pinatulog niya ko. Pag gising ko, nagpalit ako ulit ng damit at lumabas dun sa malaking kwarto. Nakita ko ang papa ko na naka-upo at kumakain ng santol. Umupo ako sa tabi niya at niyaya ko na siyang umuwi. Inalok muna niya ko ng kinakain niya at tinanggap naman iyon at kinain.

Nung umuwi daw kami sa bahay namin, maramng tao sa baba. Hindi ko alam kung sino yung mga nandun. Pagpasok ko sa main door namin, naka-abang dun yung anak ng labandera namin na bata. Grade 2 lang siya. Tinatanong ko siya kung nasan ang mommy ko. Hindi siya sumasagot at medyo masungit yung boses niya. Nung napikon ako, binuhat ko siya at dinala sa baba. Naasar ako sa pagsagot niya sa akin kaya plano ko siyang ikulong sa kwarto ng dad ko. Pero hindi naman natuloy kasi sinalubong daw ako ng mommy ko. Tapos ayun. Wala na kong maalala pa.

Nagising ako, tinignan ko ang orasan. Tanghali na pala. Umupo ako ng matagal sa kama para isipin ang naging panaginip ko. Ang tanging nasabi ko na lang, ang weird. Ang gulo. Di ko naintindihan.

Ano kayang gustong ipahiwatig sa akin ng panaginip kong iyon? Dun sa unang panaginip, yung guy na kasama ko dun, ilang beses na rin siyang lumabas sa panaginip ko nung mga nakaraang araw. Hay! Sana mamayang gabi, may kasagutan sa lahat ng tanong ko…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s