I’M UP ALL NIGHT


Actually kasi, patulog na ko around 12mn. Pinatay ko na laptop ko kasi wala ng battery. Nagpaalam na nga ako sa wall post ko eh (Facebook). Binuksan ko yung mobile messenger ko. At ang magaling na si Pat ay nagtanong kung anong title ng blog na pinabasa niya sa’kin nung isang gabi. Hanggang part 3 pa lang kasi yung nabasa namin at bitin pa. So inabangan niya talaga yung sumunod na part.

At eto na. Nahanap na niya. Take note: phone ang gamit ko pang-chat. Nahanap na niya yung sumunod na part. Eh siyempre ako, nabasa ko na rin yung mga naunang part. Ang pangit naman kung hanggang dun na lang diba. So ako, nagkumahog kunin ulit ang laptop ko para i-plug at basahin yung blog. Ayun. Awa ng Diyos, hanggang ngayon gising pa rin ako. At siya, kasalukuyang tumutulo ang laway sa himbing na pagkakatulog. Haha! Ewan ko kung natulog nga ang gaga.

Iniwan kong nakabukas yung TV para may ilaw ako kahit papano. Laptop ko na lang kasi yung bukas pati yung ilaw sa dressing room. Si mom katabi ko matulog. Di siya sanay na walang katabi kaya dito ko sa kwarto niya natutulog. Pero kaya ko rin matulog mag-isa.🙂 Nagising siya dahil sa tunog ng TV. So ayun, hiningi niya yung remote sa akin habang ako, busy sa kakabasa ng mga naunang post ko dito sa Tumblr. Tapos na rin kasi ako mag Baking Life at wala na kong magawa sa Facebook kaya nagbabasa na lang ako ng mga nauna kong ginawang post. Natatawa pa rin ako sa iba kahit tapos na. Grabe nga kasi yung iba, halos nakalimutan ko na.

Time check: 2:43am. Bumalik na si mom sa pagtulog. Ako, heto pa rin at nagkkwento. Ang daldal ko talaga. Konti na lang at sasaniban na ko ng antok. Medyo masakit na rin yung mata ko. Anong oras na naman kaya ako gigising nito?

I have a plan for my whole Wednesday. I’m planning to have foot spa and pedicure. Pero pagkagising ko later, kailangan ko muna buksan ang baking life ko para i-serve yung mga cake. Tapos after nun, go na sa SMF para sa foot spa. Tapos when I get home, dapat i-memorize ko yung “How Do I Love Thee?” na poem. Hay nako! May oral quiz kami sa Speech sa Thursday eh. So ayun. Kailangan mamaya pa lang, kabisado ko na yun.

Okay. Enough. Kailangan ko nang matulog. Good night! :*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s