DRAGON FRUIT WITH CAKE AND DRINK


Wanna know what my title is all about? Well, you better read everything.🙂

Tuesday is for the subject Rizal. Ever since, di ko nagustuhan ang subject na yun. Not the prof and not my classmates, but simply the subject. Wala lang. Di ko alam. Hindi ako interesado sa buhay ni Rizal. So ayun. Nung exam, todo kapa naman ako. Nako. I promise to do well in Finals. PROMISE! Kailangan ko bumawi sa subject na yun. Kaya pinagbubutihan ko sa report pati attendance. Haha! Na-submit naman na yung project namin kaya panatag ako na kaya ko pang habulin.

Nung pauwi, love talk naman with Ate Ynah. Every Tuesday kasi, sinasabay niya kami ni Claire sa car niya. Kaya more kwentuhan ang drama sa loob. Tapos minsan drive-thru sa McDo. Pero kanina, hindi kami nag-McDo. Binaba niya kami sa may Red Ribbon Commonwealth. Yung bago mag Ever Gotesco. Ayun. Medyo maaga pa kasi kaya kumain kami ni Claire dun. Ang gusto lang talaga namin is yung cake. Pero may meal na with cake and drink. So yun ang pinili namin.

Pag-uwi ko sa bahay, sinilip ko kung may tao sa baba. Nakita ko tita at mommy ko. Tinawag ako para kumain. OMG! Nakalimutan ko na marami nga palang food kanina kasi may late blow out pa si mom nung birthday niya. Kaya kunyari di pa ko kumain. Pero busog talaga ko. Ayoko lang ma-disappoint si mommy kaya kahit konti kumain ako ulit. Small portion ng lahat ng ulam na nakahain ang kinain ko except for the pancit guisado. Hindi rin ako nag-rice kasi nagspaghetti ako sa Red Ribbon. At dagdag carbs yun. Haha! Kaya super busog talaga ko. Grabe lang. Nung Saturday pa ko laging busog. Tsk! Hanggang kanina. Oh no!!! Babalik na ko sa once a day heavy meal starting tomorrow.

What’s the best part? Ang tawanan at kwentuhan with my cousins, tita, and mom. Walang mainit ang ulo. Walang may topak. Kaya masaya kami kanina sa dining table. Dagdag comedy pa ang pagsasayaw ni mom. Hahaha! At first time kong makatikim ng dragon fruit na dark pink yung kulay. Ang natitikman ko pa lang kasi is yung white eh. Ang ganda ng itsura ng dragon fruit pag may balat pa.🙂

I guess I’ll have a good sleep tonight. :*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s