SAN BA TAYO PUPUNTA?


Isang biglaang pagpaplano na naman ang naganap. Pag biglaan talaga natutuloy eh noh. Sa chat lang naman nag-umpisa ang lahat kagabi. Basta yun. Hindi ko na kailangan ilagay pa yung exact words kung pano nagkayayaan.

So kanina, tanghali na ko nagising. Wala naman akong nakuhang message galing kay Pat. Siya kasi nagyaya eh. Madali lang naman akong kausap lalo na pag wala naman akong pupuntahan. Ano nga ba ang plano? Sabi niya, Greenhills. Edi go. Haha. Bigla na lang tumunog ang cellphone ko, ayun. Message niya. Hintayin na lang daw niya ko sa gate ng Don Jose. Haha! Kagigising ko pa lang nun. Basta ayun. Text-text. Mag-aayos na sana ko at biglang nagtext na naman ang bruha at backfire daw muna. May pupuntahan daw sila ng mom niya. So okay lang.  [I’ll create a CHAT POST about the conversation.] Bumaba ako para mag-lunch. Medyo natagalan ako sa baba kasi nakipagkwentuhan pa ko sa mga pinsan ko. Pag-akyat ko, may 8 messages ako galing sa kaniya. Grabe lang. Yun pala tuloy na daw kami. ANG GULO DIBA?! Haha. Edi nataranta naman ako kasi panatag ako na hindi na matutuloy eh. Kasi nagsabi siya na sa Wednesday na lang daw ek-ek.

Bago pa ko tuluyang maligo, nahilo muna ko sa kahahanap ng sunblock ko. Leche! So nung di ko talaga makita, naligo na lang ako. Nung nagbibihis ako, biglang tumunog yung doorbell. Sabi ko sa isip ko, “Nako. Si Pat na yan.” So nagdilang anghel nga ako dahil tinawag ako ng maid namin na may bwisita daw ako, este bisita. Hahaha! Lumabas ako ng dressing room dahil itatanong ko sana kay Ate Luz kung nakita niya yung sunblock ko. Naka-pants pa lang ako nun at nakatakip pa lang ako ng shirt nang biglang hinabol ako ng gaga. Ayun, nag-ayos na ko. Nahanap ko na ang lotion na hinahanap ko, kaya ready to go na.

Pag dating namin sa GH, “San tayo pupunta?”. Ewan ko kung sino sa aming dalawa ang nagtanong. Basta ang alam ko na lang, yan ang laging lumalabas sa bibig naming dalawa buong araw. Tumingin ng cellphone, nag-Starbucks habang nagyoyosi siya, kwentuhan, pumunta sa Globe, magpakapagod sa kakalakad at tingin-tingin ang ginawa namin dun. Yun lang. Wala akong ginastos. Haha! Tambay in short. O diba?! Ganun ang magkaibigang sosyal, malayo ang tambayan. Imagine, from Fairview, dadayo pa ng San Juan para tumambay. Haha!

Nung wala na kaming magawa sa GH, lalabas na kami para umuwi. Nung malapit na kami sa exit, bigla ko na lang sinabing “Tara! Megamall tayo!” Ramdam kong napipilitan lang siya umuwi eh. Saka di ko rin alam kung bakit nagyaya ako bigla.

Edi ayun, fly agad sa Mega. Kumain kami sa Eat & Go.🙂 First time niya dun dahil sa’kin. Haha! (Oh bruha, magpasalamat ka naman). Kwentuhan ulit, tawanan. Ganun naman lagi eh. Umiral na naman ang pagka-takaw mata ko. Umorder ako ng Steak and Mushroom with roasted pepper rice and baked beans. Tapos ayun, di ko naubos. Buti na lang may taga-ubos ako. Haha! :p After nun, konting ikot ulit tapos go home na.

Bus. Ang laging sinasakyan namin. Actually, sa kanya naman ako natutong sumakay at masanay sumakay sa bus. Wala lang. Buti na lang nakasakay na kami bago pa bumuhos ang ulan. Good thing, pag baba namin sa Dona Carmen, walang ulan. Naalala kong bigla ang pinakamamahal kong pinsan na si Juliane. Nagbilin pala na uwian ko daw siya ng food. Kaya naglakad kami papuntang KFC. Ang mga bitchesa ihing-ihi na. Haha! CR ang unang hinanap pag pasok ng KFC. Nakaka-asar lang at sira yung ilaw nung sa Ladies kaya pina-ayos ko muna saka pinalinis ko. Hahaha! Arte much. So ano ko, iihi sa madilim?! Mahirap kaya yun.

Tapos okay. Kanya-kanyang uwi na.🙂 San kaya kami pupunta next?!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s