THAT’S WHAT FRIENDS ARE FOR


Iba talaga ang samahan ng magkakabarkada. Problema ng isa, suportado ng lahat. HIndi lang naman kasi simpleng barkadahan lang. Siyempre sa loob nun, may best friends, may magkapatid, at magpinsan. So what am I talking about? Walang duda at walang iba kundi ang GUERRIER.

Ewan ko ba. Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng kaibigang tulad nila. Ang sarap balikan nung unang araw kong napabilang sa barkada na ‘to. Hindi ko na kailangan ikwento pa dito pero sila yung mga kaibigan kong kahit na hindi ko madalas nakikita at nakakasama, handa silang saluhin ka pag kinakailangan mo ng makaka-usap at makakasama.

5 years ko na silang friends. At sa loob ng limang taong pagkakaibigan, may mga nangyayaring di pagkakaintindihan. Ganun naman talaga eh. Pero hindi namin hinahayaan na hindi magka-ayos ang lahat. Malungkot lang isipin na hindi kami laging kumpleto pag may mga kasiyahan. Isa lang ang panigurado, mahilig kami sa party. Birthday ng isa, celebration ng lahat. Ganun kami magmahalan. Priority ang bawat isa. Malungkot pag kulang lalo na kung yung mga taong wala eh yun yung madalas makasama.

Kagabi, muli kaming nagkita-kita. Hindi nga lang kumpleto. Depressed kasi ang isa. Kaya kami, dumating para damayan siya. Handa kaming makinig sa kwento ng bawat isa. Na-touch na ako sa sinabi nung dalawa na “Ang tahimik mo. Pero pag kailangan mo kami, tandaan mo na nandito lang kami para sa’yo.”

Sa sobrang dami kong kaibigan, iba ang guerrier. Ito yung sigurado akong FOREVER. Malayo man ang iba, hindi pa rin kami nagkakalimutan. Hahanap at hahanap kami ng araw para magkita-kita. Basta para sa’kin, ramdam ko yung sobrang sabik namin magkita kahit kakakita lang kahapon o nung isang araw. Yung tipong hindi kami magsasawa magkita kahit araw-araw pa. Basta kami ang magkakasama, okay sa alright.🙂

Mahal na mahal ko ang barkadang ito. Sobra-sobra, over-over. Alam ko kasi na tanggap namin ang mga pagkakamali, pagkukulang, o ano pa mang negative ng bawat isa. I love you guys! ♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s