NO LEFT OVERS


Nung isang araw pa naka-plano magdinner sa Tong Yang for mom and dad’s back-to-back birthday celebration. Kaya kaninang umaga pagkagising ko, buo na ang loob kong hindi talaga ko kakain. Pinanindigan ko yun. Di ako nagbreakfast at naglunch. Pati yung mga pinsan ko hindi rin kumain kasi alam naming mega kabusugan ang mangyayari. Ako nagpa-reserve ng seats. 11am tumawag na ko sa Tong Yang SM Megamall para magpa-reserve at ipinangalan ko sa dad ko yung reservation. Hiningi yung contact number. Naisip ko na hindi naman alam ni dad na pangalan niya ginamit ko kaya number ko na lang yung binigay ko. So ayun. Nagtext yung girl na nakausap ko after 25 minutes. Akala niya siguro number ni Mr. Lino Reyes ang binigay ko nun kaya bonggang bonggang sir ang tinawag sa akin. WTF! Hindi ako nagreply. Haha! Pero naiintindihan ko naman. Akala nga niya siguro na sa dad ko yung number.

Okay! Moving on, wala akong plano mag-ayos. Kasi nung nakita ko suot ni mom, simple lang. Naka polo-shirt lang siya and maong pants. Kaya naisipan kong magsuot na lang ng long v-neck blouse. Nagdala rin ako ng jacket. So ayun. Simple lang mga ayos namin kanina.

Dinner time! Kumuha na kami ng food na lulutuin, sauce, drinks, then went eating. Ugali ko kasi na kung ano yung nasa plate ko, yun lang kakainin ko tapos kanya-kanyang lagay na dun sa lutuan. Nom nom nom! Haha! Luto-kain, kain-luto. Di namin namalayan na sobra-sobra na yung food sa harap namin. Grabe lang. Kung kahapon puro inom, kanina puro kain. Buti na lang hindi pa dumadating si papa kaya sure kami na may kakain pa nung mga kinuha naming hindi nakain. Ayun nga, kinain niya nung dumating siya. Pero hindi rin niya naubos. OMG! Hindi ko naman alam na hindi nila alam [intindihin niyo yan!] na 500 php ang fine pag may left over. Edi nasita kami. Kaya ang nangyari, kahit di na kami makahinga sa kabusugan, pinilit naming ubusin. Pero di talaga namin nakayanan. Kaya kanya-kanyang tago na lang ng food. Merong sinama sa mga balat ng fruits. Merong tinakpan ng ginamit na tissue. Hay nako! Sayang yung pagkain pero hindi kasi pwede i-take out.

Next time talaga, hindi na kami kukuha ng ganun karami. Haha! Takaw-mata kasi eh. Tsk tsk. Haha!

Kumpleto na sana kami kaya lang si Tito Jojo nasa abroad. Almost complete. Pero mas masaya kung major major complete. :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s