HOSTAGE DRAMA


Grabe lang ah. According to what I’ve heard, 7am ata nagstart itong hostage taking at bandang 10am lang na-report sa media. Nasa school ako ng mga oras na yan at pag-uwi ko ng bandang 3pm, wala naman akong kaalam-alam. Natulog ako for I think 2 hours. Tapos ngayong nagising ako, nagbukas ako ng TV at ito agad ang bumungad sa akin. Ang dami kong nabasang negative feedbacks about our policemen, about being a Filipino, and all from Facebook.

Naiinis lang ako sa mga taong grabe kung maka-react. May nabasa kasi akong hindi na sila proud bilang pinoy. My comment? There’s more than this. I mean, bakit kailangan magbago ang pananaw ng tao ng dahil sa isang pagkakamali? God has a reason why these things happen to us, to our fellowmen, and to our country. Hindi nga natin maiwasan na i-compare ang sitwasyon ng bansa natin sa ibang bansa. Pero sana magtiwala naman tayo sa kakayahan ng mga kapwa natin pinoy lalo na ang mga pulis. Hindi biro yung trabaho nila. Wag naman sana tayo masyadong judgmental. Kesyo ang tatanga, kulang sa training, mali ang mga desisyon, or whatsoever. Kahit ang daming negative feedbacks, isipin naman natin na buhay nila ang nakataya sa trahedyang nangyari. Walang may gusto nito. Kahit sinong matino ay hindi gugustuhin ang mga nangyari. Nakakalungkot isipin na ang daming hindi magandang nangyayari sa bansa natin pero sana naman diba. Kung puro negative na nga yung mga kaganapan, subukan naman natin magkaron ng konting pag-asa. Think positive!

Nakakaramdam ako na after this, maraming maglalabasang balita tungkol sa mga palpak ng mga pulis. Malamang din niyan, pati buong gobyerno madadamay sa hostage taking na ‘to. What’s new nga naman diba?! Lahat naman ng maling nangyayari dito sa Pilipinas sinisisi natin sa gobyerno eh. Diba?! Pati ang kahirapan inaasa pa rin natin sa gobyerno. Hindi naman kailangan isisi sa kanila lahat. May mga tao lang talaga na papansin. May mga pinoy na (aminin natin) tatanga-tanga. Yung tipong gagawa ng mali at mapanganib para lang mapansin.

Whatever! Nakakadismaya lang na ang pangit na ng tingin ng ibang bansa sa atin. Wala tayong magagawa. May mga taong bwisit eh. Kung meron lang hindi proud sa pagiging Pilipino, sila yung mga gumagawa ng mali at masama. Tayo na safe, let’s understand every situation. Wag basta-basta mag-judge. Isipin niyo na lang kung kayo yung na-hostage. Gusto niyo ba maging padalos-dalos ang mga pulis na ang posibleng maging kapalit ay ang buhay niyo? All we need to do is to trust our policemen on what they can do and believe in the power of our prayers. Kung kayo yung pulis, trabaho niyo ang kaligtasan ng lahat. Pinasok ang ganung trabaho kahit buhay ang kapalit. Pero sana intindihin natin na hindi madali yung ganung trabaho. Siyempre iniisip din nila yung kabuhayan ng pamilya nila kaya takot din sila mawalan ng buhay.

Nonetheless, I’m still proud being a Filipino. Besides, wala naman akong kasalanan. Kailanman ay hindi ko hiniling na magkaganito ang bansa natin. I admire our policemen for being brave, as well as our broadcasters. It’s very risky to cover a report lalo na kung may bigla-biglang putok ng baril. Anytime pwede silang madamay.

My bottom line, hindi nakakatulong ang pagiging negative. Kaya yung mga taong negative diyan, ayoko kayong kausap. UTANG NA LOOB, tigilan niyo na ang mga pulis. Wala tayong karapatan sabihan sila na wala silang kwenta pati ang operasyon nila. Wala tayo sa katayuan nila para lubos nating maintindihan at maramdaman kung ano man ang saloobin nila. Okay?!

STOP THIS NEGATIVITY. Umiinit ang ulo ko hindi dahil sa nangyari. Dahil sa mga feedbacks niyo na walang kwenta. Puro kayo panlalait eh. Kayo na! Kayo na lang gumawa ng sarili niyong operasyon. Next time na may hostage taking, kayo na ang sumaklolo. Tignan natin kung may ibuga kayo.😐

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s