LITTLE BOY


Friday the 13th. Pagkagising ko kaninang umaga bigla akong napaisip. It’s time for me to prove if Friday the 13th is a bad or good luck. Medyo may nakakairitang pangyayari sa akin kaninang umaga. Akala ko yun na ang simula ng kamalasan, hindi pala. Ang taas ng grade ko sa seatwork kanina. 2 mistakes lang.🙂 Basta. Masaya ako kanina. Hanggang ngayon din naman.

Oh well, hindi naman tungkol sa malas at swerte ang gusto kong ipabasa sa inyo. Haha! Nagshare lang ako. So eto na. Pumara kami ng fx para makauwi na. May tao sa harap, sa gitna, at bakante sa likod. Obviously, sa likod kami umupo ni Claire. Harapan yung pwesto namin. Tapos, may mag-ina na sumakay from Sto. Domingo. Dun din sa likod umupo. Yung nanay, katabi ko tapos katabi ni Claire yung little boy. Ayun, habang nasa byahe, tinitignan ko yung bata. Tapos binibigyan ko siya ng smile.🙂 Pinagmamasdan ko siya kasi ang cute niya saka bibo. Natutuwa ako kasi pag alam niya yung kanta sa radyo, sinasabayan niya kahit di niya alam yung lyrics.

Nung nasa Commonwealth na kami, di ko na masyadong pinapansin yung bata. Busy na ko sa side-seeing. Haha! Lumilingon ako konti pero di katulad nung umpisa. Nung malapit na kaming bumaba ni Claire, siguro bandang Litex na, tumingin ako ulit dun sa bata. Guess what the little boy’s doing?! Sinisilipan niya ko.😐 Bwisit na batang yun. Ang bata-bata pa kung anu-ano na ang ginagawa. May pagka-mini skirt kasi yung uniform ko lalo na pag nak-upo ako. Hay nako lang! Di ko alam kung pano ko aayusin ang upo ko para di ako masilipan. Pero itong batang ito, talagang sinisilipan niya ko. Tumitingin siya sa mommy niya kung nakikita siyang naninilip. Buti na lang pababa na ko. Haha!

OMG! Little boys these days nga naman. Tsk tsk. Yung iba nanghahawak ng pwet. Ano ba itong mga batang ito! Mommies, please teach your sons what is right. Observe them! Nako talaga. NR yung nanay nung bata kanina. Ano ba yan. Sana pinagsabihan niya yung anak niya na wag ng ulitin yun.

Hay nako, little boy. Ang cute mo pa naman.😐

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s